Buying newborn clothes

Mga mamsh, ilang months napo ung tummy nyo na nagsimula po kayo mamili ng gamit ni LO? 6 months na po kasi sken. And nag aalangan ako bumili ng pa-unti unti. Sabi sabi kasi na bawal daw muna mamili hanggat wala lang 8 months? ??

116 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

4 months inuunti unti ko na pag bili kasi kapos din sa pera diko kya isang bagsakan hinay hinay lang ako hanggang ma completo na 30 weeks na ako ngayon completo na damit niya 3 pcs pranella, mittens ,boots, bib , baby beddings, cloth diapers, din feeding bottle. kulang ko nalang sa ngayon konti nalang Yon nalang mosquito net ..Disposable diapers, alcohol, cotton, baby body wash,baby lotion , baby powder, Baby milk powder,.din sakin adult diaper and maternity napkins..atleast kon di ako maaga nag start..baka ngayon sobrang dami pa kulang..

Magbasa pa

5 months pa lang I started to buy na po ng paunti unti mga plain white na muna sa newborn clothes pag alam ko na gender then tsaka pa lang ako bibili ng May mga color na. .mas ok po na paunti unti namimili ka na para din di biglaang gastos kasi gagastos ka din sa panganganak . .hindi naman po nakakasama yung early preparation who knows diba May mga maaga ngang napapanganak so mas ok Pong May ready ka ng gamit ni baby

Magbasa pa
VIP Member

Ako ang binili ko lang talaga ay 1 blanket, 1 hoodie towel, 2 mittens at 1 pr. sock, maternity pad, at diaper. Kasi madaming mga hands-me-down na mga damit na pinadala ng lola nya. 😁 After 3 weeks ng pagpanganak ko, bumili lang kami ng mga 3 onesies at 3 pajama at 5 pair of socks, at 2 blanket ulit. Yun lang. Mabilis naman sila lumaki kaya di kami masyado nabili ng mga newborn clothes.

Magbasa pa

as soon as Kung kilan mo po mlman Ang gender.. para sakin hbng maliit p tummy mas maigi my mbili n ung mga damit mga suotin kc pg mlaki n tyan mahirap ng mamili at maglaba...gusto ko p nmn ako tingin ng klase ng telang ssuotin ng anak ko Kya gusto ko ako mismo Ang bibili ng damit.. ung mga alcohol diaper mga sa grocery nbbili khit mga 8 months n kc kht c hubby pwedeng bumili

Magbasa pa

Nag start ata ako. 2 months preggy plang ako. Hnd ko pa alam nun na my ganyang pamahiin. Aha huli ko ng nalaman nung naka pamili na. Ako naman kasi ang katwiran ko. Mas maganda ng ready. Kesa yung magahol ka sa oras at budget sa pamimili. Mas okei mamili ng pa unti unti. 6 months preggy na ako now. Pero konti nalang ang need kung bilhin. ♡L.S. 😊

Magbasa pa

5 months pa lang si baby sa tyan ko nung nagstart ako mamili, inunti unti ko since mahirap din pag biglaan mas mabigat yung gastos, at ECQ nun kaya puro online lang. Mahirap kasi mamili kapag 8 months ka na di naman natin alam kung kailan lalabas si baby. At mas maganda din na naunti unti na rin malabhan, sterilize at malinis yung mga gamit ni baby 🥰

Magbasa pa

Ako momsh nagstart bumili 5months, mahirap kasi mamili ngayon. May mga mall na di nagpapapasok ng buntis, kaya halos online ko rin lahat binili. Saka ayun nga para hindi isang bagsakan ang gastos, may mga free shipping at may discount naman kapag may event sa shopee at lazada para makatipid padin kahit pano.

Magbasa pa

6months kame nagstart mamili, pero nasabihan dn kame ng mother in law ko na dapat daw 7months. Halos patapos na ako 6months almost complete na gamit ni baby. Which is good kase lockdown ngayon na 7months na ako at bawal lumabas mga buntis. Ngayon stock up na lang kami mga diaper sa mga sale ng lazada at shopee.

Magbasa pa
VIP Member

6 months ako nagsimulang bumili ng gamit ng baby. Hindi masama sis kung bumili ka ng mas maaga, ang masama eh yung hindi ka nakabili at bigla kang napaanak. Kawawa ang bata, so if may budget ka na bumili ka na. Unahin mo muna yung mga necessary talaga like diaper, newborn clothes, alcohol.

6-7 mos tyan ko nung magstart ako bumili ng paunti-unting gamit ni baby..then ng mag8mos,nakompleto ko na gamit ni baby kaya nesting at hospital bags naman ang inintindi ko😅..kaya ngayong malapit na akong manganak e'relaks nlng sa paghihintay sa paglabas ni baby☺️