warning: long rant

Hi mga mamsh... Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob... Ganito kase ang kapatid ng daddy ko at yung anak nya ay pinipilit talaga na dito patirahin samin yung mga kids nya para daw kung sakaling may emergency ay may gawa daw agad ang mama ko (mama ko lng ang andito kasama namin kase silang lahat nag abroad pati na yung ina ng mga bata)... ayoko talaga kase ang baby ko ay 4 mos pa lng tapos inu ubo pa yung mga anak nya, sinabi yun ni mama sa papa ko pero nag.away na sila dahil ipinipilit talaga nila kesyo pamilya kase daw... Selfish na kung selfish pero ang dami na kasing instances na na iwan yung mga bata dito nang wala lng silang paki alam eh hirap na nga mag budget c mama sa padala ng papa ko... kapag andito ang mga bata hindi man lng tumatawag o nagbibigay ng pang vitamins.. nakaka irita na talaga ang mga ugali nila isa pa ang mama ko ay nasa edad na parang ginagawa nilang taga salo ng responsibilidad nila.. Pinagsabihan na kase.ang pinsan ko na huwag munang mag abroad o di kaya ay may isang maiiwan sa kanilang mag.asawa eh sila ba namanh dalawa ang umalis tapos i-aasa sa iba anv problem nila and kapag sinasabihan nagagalit pa.. haaay sorry talaga mga mamsh gusto ko lng ilabas to kase sobra na parati na lng... At sa tingin nyo ba selfish ako kapag hindi namin tinanggap ang mga anak nya?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hndi naman po, as long as ang concerned mo lang eh ang mommy at ang baby mo, May mga batang involved and dapat kahit paano mag provide po sila ng mag aalaga at ng mga pangangailangan ng mga bata. Siguro dun used "pagpinagsasabihan" used the word kausapin sila for the sake of your mother and specially the children kahit na anjan sila sa Inyo provide what they need. Talk to your dad politely with concerned to the children. Ilayo mo nlng po muna baby mo sa mga bata... Kaya mo yan sis talk to them po baka makaunawa nmn pag kinausap kawawa naman mga anak nila

Magbasa pa

Hindi naman, kasi hindi nyo naman responsibility un. Lalo na kung matanda na ung mom mo at may baby ka pa. Dapat siguro kumuha sila ng yaya na mag-aalaga sa mga bata. Saka parang napaka iresponsable naman nila para iasa sainyo un?