Gastos question
Hi mga mamsh. Goodmorning. Ask lang sana ako ng range kung nasa magkano ba ang gastos ng new born baby montly? nag tatry na kasi ako magbudget as early as now para hindi lang kami masagad. Thank you in advance sa mga sasagot.

Mas tipid pagBF mommy pero usually formula 500-1k yung 400mg 1wk tatagal depende kung gano kalakas uminom si baby sabihin na natin 2k-4k a month then diaper better to buy yung madamihan so around 1k (except for newborn size diaper kase minsan malaki si baby kaya pwede na agad yung small sa kanya sa case ng baby ko 2days lang sya nakaNB na diaper then small na gamit nya till mag2months) anticipate mo nlng pagbibili ka ng maramihan yung pagchange ng size nya usually 4 or more diapers per day magagamit nya calculate mo nlng yung needed mong diaper till changing sizes. For baby wipes bili ka lang ng gagamitin nya paglalabas kayo kahit cguro 1-2packs na stocks per month pero mas maganda na warm water and cotton ang gamitin mo kay baby less chances for rashes and irritations. Baby wash and baby lotion nagrerange sa 200-500 pero hindi naman monthly ka bibili neto minsan aabot ng 2months depende kung gano kadami ka gumamit. So cguro more or less 5k per month ang magiging gastos per month. Paghandaan mo din yung bakuna ni baby mommy kung pedia ka magpapabakuna for sure pricey may option ka naman din na sa center pero kung wala yung gamot sa center sa pedia talaga sya makukuha. Advance congratulations sayo mommy and hope you have a safe delivery ❤️
Magbasa pa

