22 Replies

I have to agree with this. Yung ibang magulang kasi ginagawang retirement plan yung mga anak nila when in the first place duty and responsibility ng magulang to provide for the needs of their children. Napaka toxic ng gan'tong culture at mentality sa bansa natin. I get it na we are family-oriented pero sana maging self-reliant din at the same time lalo na if kayang-kaya pa buhayin ang sarili. May ibang parents kasi basta nakapagpatapos na, nag eearly retire na kasi iaasa na lahat sa anak. There's no wrong sa pagtulong sa parents or siblings pero dapat kusa at bukal sa loob, hindi yung para bang obligasyon mo talaga at mandatory kasi if not masamang anak o kapatid ang labas mo. Sana tayong mga future mommies wag tayong maging toxic na magulang. Pabayaan nating mamuhay nang maayos yung anak natin, makapag sarili at tayo let's prepare for our retirement age. Wag mag-anak kung isusumbat mo lang din lahat ng sacrifices mo. In the first place, it's our choice na magkaron ng anak.

Hindi responsibilidad pero magkukusa iyan kung naging mabuti kang magulang sa kanya. Wala ring masama na humingi o humiram sa anak kung talagang walang wala na as their parents basta huwag aabusuhin. At kapag nagbigay ang mga anak ninyo, huwag nang tumanggi lalo na kung hidni naman siya kakapusin kapag nagbigay sa inyo. Be thankful and always make them feel na appreciated mo ang mga binibigay nila, may mga parents kasing tanggi ng tanggi o binigyan na nga nagrereklamo pa. May parents din na, laging binibigyan at di nakakaappreciate tapos manunumbat kapag nadiscourage na yung anak o tumigil sa pagbibigay. Huwag sana ganun. Be appreciative. 💕

Totoo po yan mamsh, karamihan sa mga filipino,na kapag malaki na ang mga anak ay umaasa na lang ang mga magulang, di sila isinilang para magbayad or ibalik lahat ng binigay ng magulang, kailangang pagtanda natin mayroon din tayong ipon gaya ng pambili ng gamot, pampa ospital at kung ano ano pa, para sa akin ayokong maranasan ng mga anak ko na inoobliga sila,kung bigyan ako salamat.mahal na mahal ko mga anak ko,gusto ko lagi silang masaya at hindi nahihirapan.

Sana maraming mga magulang ang nakakabasa nito para malaman nila. Tuwing naririnig ko yung nanay ko na sinasabing "kaya mo na ba kaming buhayin?" naririndi ako parang gusto ko patayin yung video call namin. Sa totoo lang hindi rin sila naging mabuting magulang samin at nakakasama lang ng loob dahil bunso ka ikaw yung naiipit sa ganitong sitwasyon. Kahit anong mangyari may sariling buhay din ako.

VIP Member

Tingin ko po nasa anak naman din yun. Kung sadyang mabait ang anak mo, at gusto naman nya talagang tumulong sa magulang lalo na at may maayos naman po syang trabho at magndang sweldo, then its fine. May mga ganun talagang anak hindi dahil sa utang na loob kundi talagang gusto nila at ganun sila magbalik o mgpakita ng pagmmahal. Magkaiba kasi sa tingin ko yun mommy.

i know po. i understand what you mean. pero karamihan kase sa Pilipinong magulang ay itinatanim na sa utak ng kanilang anak na paglaki mo dapat magbigay ka sa amin pambayad man lang. like yung asawa ko, kahit wala na syang maibigay maghahanap at maghahanap ng pera para lang sa may maipadala. kase takot sya na masumbatan.

Hindi ko pa na encounter sa family namin yung ganyan, pero Thanks! Kasi wala ni isa kaming narinig sa magupang namin na ganyan kung magbibigay kami, Salamat! If hindi okay lang😅 and oo hindi natin obligasyon ang magulang na bayaran nasa batas po yan, pero siympre tulonv at pasasalama natin ang magbigay ng kusa.

Hindi po ba masyado pang maaga para kausapin mo baby mo ng ganyan. Baby palang sya at nasa tummy mo palang sya he/she's still starting to develop yung brain nya and other organs. Wag nyo po sana i-pollute mind nya ng toxicity ng family na meron ka.

VIP Member

Basic mindset yan ng mga oldies. Yung magaanak sila ng marami para pagtumanda sila maraming allowance? Ahaha. LoL. Well. It's in our culture naman na. Matik or kusa naman na dapat ang pag abot sa magulang, mas lalo na pag talagang kailngan nila ng pera.

Yes Tama naman yan Sis, hindi man sya responsibilidad Pero dapat may utang na loob parin tayo sa mga magulang natin .kung may sobra naman tayo why not diba :) pero hindi rason para gawin nila tayong milking cow nila Hehe💓

TOTOO TO, Obligasyon ng magulang ang anak nya hanggang mamatay sha, pero never naging obligasyon ng anak ang magulang. Toxic filipino culture kasi. Nasanay na tayo dito. Pag di ka tulong tatawagin kang walang utang na loob.

Agree ganyan ugali ng mga pinoy

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles