Obligasyon at Responsibilidad

Hi mga mamsh. Ako lang ba dito ang naniniwala na hindi obligasyon at responsibilidad ng mga anak ang magbigay sa magulang? Kase in the first place, hindi naman inobliga ng anak na bigyan ng pagkain, damit at tahanan kase responsibilidad yun ng magulang. Hindi porket naibigay mo lahat ng pangangailangan ng mga anak mo eh susumbatan mo na sya paglaki kesyo ako ang nagpaaral sayo, nagpalaki at nag-aruga kaya kailangan magbigay ka sa amin bilang kabayaran. Like what kind of mindset is that? Kaya ngayon pa lang, kinakausap ko na ang baby ko sa tummy at nagpromise ako na kahit tumanda kaming nagtatrabaho pa rin ay walang problema sa akin. Kung may maibibigay ka, salamat. Kung hindi ka makapagbigay, okay lang, salamat pa rin. Gusto ko mag-ipon ka para sa sarili mo, wag mo kaming isipin ng tatay mo. Kung naghihirap man tayo ngayon, wag sana nating isipin na ang mga anak natin ang kailangan gumawa ng paraan paglaki nila para maiahon tayo sa hirap. Wag ganon mars. 2020 na oh. Wag nating gawing RETIREMENT FUND ang mga anak natin in the future.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes, I agree. Problema namin ngaun to ng asawa ko, both sides mga walang ipon and pension. Though sa side ko naman, pinagtutulungan naming tatlong magkakapatid ang magulang namin. Sa side ng hubby ko hindi, sya lahat tapos medyo demanding pa nanay nya. LOL. Iniisip ko na lang na we love our parents kaya hindi sila pwedeng pabayaan. Pwede magbigay as long di napapabayaan ang needs at savings naming mag-anak. Pero if sakto lang sa needs namin mag-anak, ibang usapan na lang un. Kelangan mag-adjust sila sa kung anong kayang ibigay naming mag asawa. This is the reason din kung bakit my conflict kami ni MIL ngayon. Ung MIL ko kasi kapag may laging inuuna ang mga utang nya kesa sa mga gamot at pagkain nya tapos hihingi samin at pag nahindian sya pa ang masama ang loob. Dumadating pa sa point na pati utang nya samin pinapabayadan. Pero hindi ako nagpapatalo skanya, pag wala na budget at humingi sya, my husband says No to her. Pag sa utang lang mapupunta, NO. Way ko na din un para sabihin na hindi palaging may maiibigay skanya at lalong di namin obligasyon ang mga debts nya. So ayon, tingin nya sakin Kontra-bida! We help our family because we love them, pero my limitations na at ung mga mali, hindi na pwedeng kunsintehin. 😊😊😊

Magbasa pa

Yes so true .. ganyan din mama ko minsan nkikipagtalo ako .. sabi ko kailangan ko ba mgbigay ih hindi konnaman hiningi na ipanganak aq. Kaya sa anak ko kung mgbbgy siya samin salamat pero kung hindi okay lang kasi nagampanan ko ang pgging magulang ko