Obligasyon at Responsibilidad

Hi mga mamsh. Ako lang ba dito ang naniniwala na hindi obligasyon at responsibilidad ng mga anak ang magbigay sa magulang? Kase in the first place, hindi naman inobliga ng anak na bigyan ng pagkain, damit at tahanan kase responsibilidad yun ng magulang. Hindi porket naibigay mo lahat ng pangangailangan ng mga anak mo eh susumbatan mo na sya paglaki kesyo ako ang nagpaaral sayo, nagpalaki at nag-aruga kaya kailangan magbigay ka sa amin bilang kabayaran. Like what kind of mindset is that? Kaya ngayon pa lang, kinakausap ko na ang baby ko sa tummy at nagpromise ako na kahit tumanda kaming nagtatrabaho pa rin ay walang problema sa akin. Kung may maibibigay ka, salamat. Kung hindi ka makapagbigay, okay lang, salamat pa rin. Gusto ko mag-ipon ka para sa sarili mo, wag mo kaming isipin ng tatay mo. Kung naghihirap man tayo ngayon, wag sana nating isipin na ang mga anak natin ang kailangan gumawa ng paraan paglaki nila para maiahon tayo sa hirap. Wag ganon mars. 2020 na oh. Wag nating gawing RETIREMENT FUND ang mga anak natin in the future.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yes so true .. ganyan din mama ko minsan nkikipagtalo ako .. sabi ko kailangan ko ba mgbigay ih hindi konnaman hiningi na ipanganak aq. Kaya sa anak ko kung mgbbgy siya samin salamat pero kung hindi okay lang kasi nagampanan ko ang pgging magulang ko