Need suggestion mga miii πŸ₯ΉπŸ™πŸ»

Hello mga mamiii. 3yo na si baby ko, turning 4yo na this august. Balak ko na sya ienroll ng kumon next month. Kaso nahihirapan ako mag turo sakanya kasi sobrang lamang yung play time. Minsan nakakaubos na din ng pasensya πŸ₯² kaso no choice naman ako syempre kasi ako ang nanay haha kidding aside. πŸ˜… Sabi ng mga friends ko na mami na din, gawin daw namin play time yung study time. Which is ginagawa ko naman, kaso talagang hindi sya nag fofocus tapos ginagawa nyang biro yung mga answers nya, minamali nya kahit alam nya yung answer. Nasa-sad ako kasi mag suschool na sya e, negegets nyo ba ko mga mi? Yung ganoong feeling ng isang nanay. πŸ₯Ή Enlighten me please. πŸ™πŸ» Ano mga ginagawa nyo para turuan mga babys nyo? First time mom ako and super focus lang ako kay baby talaga. Thank you mga mi. 🩷

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hi miiii ... Yung toddler ko nung ganyang age kinakausap & ene-encourage ko sya even yung mga Tao sa bahay mismo about school. Trial lang din talaga yung ginawa ko since nag pa-facilitate ang tita ko ng day care school na may play time pero, every Saturday lang ang class nila na-eenjoy nya. So, ngayon were enrolling her in a regular school for kinder 1. Yung mga ganyang age kasi talaga miii more on play time kaya dapat school with play time talaga sabik kasi sa kalaro na ka-edad nila yan hehe.

Magbasa pa

sa akin po nong 3 years old ang anak ko inenrol ko po siya sa barangay namin na day care center at nag enjoy naman po siya since ako lang din ang nagtuturo sa kanya until now na 7 years old na siya..pansin ko nadedevelop yong social skills nong nag aaral siya kesa nasa bahay lage..habang tumatagal nagkakaroon na rin po siya ng concentration sa pag-aaral..pero yong playtime hindi po nawawala para hindi naman siya stress sa school 😊😊

Magbasa pa
2y ago

Thank you mamiii πŸ₯° excited na kasi ako mag school sya kaso nag woworry ako na baka hindi sya maki cooperate hehe