SANA PO MAPANSIN

mga mami ask ko lang po sino po may pcos dito tas nabuntis? ako po kasi ay may pcos nung january hanggang march 2022 hindi ako dinatnan so akala ko buntis ako pero pag nag ppt naman ako puro faint line lang at after 1hr na nalabas ang faint line. Pero itong pt ko po nung october lang nato seconds lang po 2 lines na agad, last mens ko po aug 8 2022.

SANA PO MAPANSIN
25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo ng condition. Jan-March di rin ako dinatnan,puro faint line lang din dun nga nakita sa tvs ko na may pcos ako at walang baby sa loob, sobrang nalungkot ako pati partner ko, so makalipas ang ilang bwan this August lang suka ako ng suka, akala ko May ulcer ako or Acid reflux lang, nag hesitant ako at first kasi sabi ko nga pano ako mabubuntis kung may pcos ako, then nag pt ako. unang take pa lang 2 lines na pero yung isa hindi malinaw. same day inulit ko ganun pa rin, kinabukasan nagtry ako ulit same result pa rin. dun na ko nag pa tvs. and guess what? September 12 nalaman ko na I am 11 weeks pregnant. 🥹 sobrang saya lang namin ni Partner kasi this year din kami nag plan mag ka-baby. and sobrang thankful ako kay Lord. As of today i am now 15 weeks and 4 days pregnant. ang lakas ng heartbeat nya. damang dama ko sya 🥰 Thank you for reading. pacheck up ka na. Ingatan mo sarili mo always.

Magbasa pa
3y ago

Hindi ko pa alam that time na buntis na ko, 11 weeks ko na naramdaman heartbeat nya nung nalaman ko na buntis na talaga ko. Ayun tapos everytime na di ko maramdaman heartbeat nya kinakausap ko sya tapos maya maya lalakas na tibok nya ang saya lang sa feeling.