HELP

Mga Ma, pahelp naman po first time mom po ako mag 1 month pa lang po si lo ko sa saturday. Pero pag gabi po grabe ang iyak nya walang tigil hindi naman puno ang diaper, nakadede naman na, di naman mainit o malamig sa kwarto namin hirap na hirap kami hanapin yung gusto nyang pwesto. Pangatlong gabi na po na ganon sya halos 2hrs walang tigil ang iyak di na po namin alam gagawin pag umiiyak sya ng ganon katulad kagabi halos maiyak na lang din ako kasi di ko na alam gagawin namin. Sa gabi lang po sya ganon pero pag sa umaga at hapon okay naman sya. Ano po kaya dapat gawin ko pag ganon? Nasstress po kasi ako pag umiiyak sya ng ganon ??

48 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Baka may kabag. Make sure napapaburp si baby after dumede. Pwede mo din sya ibicycle or I LOVE YOU massage

6y ago

Lagi po namin sya pinapaburp after dumede. Sige po try ko rin po yun. Thank youuu po