48 Replies
Ganyan din baby ko ngayon, 22 days old palang siya now. Sa umaga at hapon okay naman siya dere deretcho tulog pag dating ng gabi iyak ng iyak. Ang ginagawa ko bubuhatin ko sya kakausapin ko sya tapos tatahimik siya, nakatitig siya sakin na akala mo nakakakita na, minsan kinakantahan ko pa siya. Pag tumigil na siya kakaiyak ilalapag ko ulit siya tapos ichecheck ko kung may dumi na sa diaper tapos hinihilot ko tiyan nya at likod. Ayun di na siya iiyak padededein ko na ulit tapos makakatulog na sya. Ganon lang ginagawa ko sa lo ko.
Ganyan din po si lo ko dati bago sya mag one month 4hrs syang umiiyak walang tigil. Salitan na kami mag asawa mga biyenan ko at yung katulong di mapatahan mag sstart sya ng iyak 10pm then exactly 2am tulog na sya. Nawala din po yun nung nakakaaninag na sya at nakakita na sya. Hanapin mo lang mommy kung san sya mas komportableng pwesto. Sanayin mo din si lo mo mommy pag gabi eh nakadim na lang ilaw niyo para di sya mamuyat pag nalaki. Si lo ko simula nung nakakita sya di sya namumuyat alam niya ata ang gabi at araw. Hehe
Lahat nang ina dumadaan sa stage nayan 1st to 2nd ang sobrang toughest meron pa yung mulat ang mata mo gang mag umaga, tipong napatulog mona pero pag ilalapag mo agad agad magwawala. Pero alam mo momsh mag iiba din yan, pabago bago ang mga baby, pag ganyan pahabaan talaga ng Pasensya yan, kausapin mo lang, hilutin mo tyan or likod tamang haplos haplos lang titigil din yan. Nag aadjust pa kasi sila sa outside world so dapat mahaba habang patience talaga. Magbabago payan, pag 3mos onwards na makaka tulog kadin ng normal.
Baka po nagpapahele siya may mga bata po kqsi na hinahanap yung nanay yung comfort ng nanay niya paiba iba po kasi ang baby kada buwab o araw man yan sis. Madalas iiyak minsan sobrang satap matulog thn cmknting tulog gising ulit kapag di parin baka may kabag din o baka naman may masakit kay lo pqg sa tingin niyo wala padin sa lahat ng pwede niyo gawinm minsan po talaga sobrang hirap lalo ba pag wala pabg isang buwan sibrang tiyaga at pasensiya lqng pi.
Same here. Mag 3mos na LO ko. May time kasi po na gusto lang ni baby na karga siya kasi dun siya komportable kaya nung mga unang buwan natutulog siya sa dibdib ko. Try mo po e swaddle para feeling niya karga siya at lagyan niyo po manzanilla tiyan niya madali po kasi sumakit tiyan nila mahanginan lang ng konti. Magbabago din po yan. Tiyagaan lang. Kada week iba iba po ang sleeping habit nila. Kaya mo yan mommy. God bless you & your LO ❤️
Gnyan din lo q sa gabi bago matulog ng wawala kaso d nmn gnyan katagal sis.. Gngawa q hinihilot q manzanilla bago q linisan sa gabi at palitan ng damit.. Check mo din pag basa na masyado at my poop sya sa diaper gutom un lng nmn kadalsan problem nila kaya umiiyak at kung ok nmn lahat un eh sadyang bka tlagang bago din matulog lo mo gaya sa baby q.. Haays gnyan tlaga mommy mhrap mgpatahan ..salitan na nga kmi ni husband gnun padin
pili ka po ng music na lagi mo pinapatogtog nong nsa tyan pa si bby moms, mga lullaby... or sa case ng lo ko dati, sinulog drums and hard instrumental yung gusto hahaha... tapos pinapadapa sa dibdib... dapat po elevated kayo pagpinapada nyo po si lo nyo... tapus lagyn nyo lng unan each side pra di mangalawit braso nyo po... tiis2 din mommy ksi nag aadjust pa si lo nyo po 😊
Baka kinakabag xa sis, punasan moh ng mansanilla ang tyan nya.. Tas padapain moh din.. At minsan din ayaw ng baby ng nakahiga, baka gusto din nya magpa karga, isayaw moh, hangang sa makatulog xa, or padapain moh din xa sa dibdib moh, minsan. Kc gusto din ng baby ung skin to skin. Wag moh xa sis paiiyakin sa hapun or gabi, para hindi xa kabagin.
ganyan din po baby ko sa first 2months nya hirap matulog laging umiiyak pag gabi. mostly po pag ganyan bka kinakabag kaya try to put mansanilla po sa tummy nya den kapag sinisway mo sya yung tummy nya is nkatapat sa iyo or any position na comfortable si baby. tska ganyan po tlaga yung mga baby nag chichange yung pag tulog nila si more patience po.
Hi mommy, been there. Yung as in sobrang iyak na halos patili na ung iyak ni LO. Gaya ng laging sinasabe ng mama ko saken, ganun daw tlaga. Kada month mag iiba daw tlaga sila. Yung sa MIL ko naman, ang sabi di makuha ni LO antok nya. Minsan si MIL nkkpag pa tahan at tulog sakanya. Seek help sa iba mommy, and pray lang po.
Chanysse Kari Lyd Grecia