pano magluto

mga ma! ask lang pano po luto ng adobong manok? ingredients and procedure po. pasensya na wala ako alam e. hehe nag rerequest si partner nakakaloka wala ko idea.?

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May mga recipe and procedure po online. Google or youtube. Gisa mo muna ung bawang, wait until golden brown or kung ayaw mo naman tutong na bawang, kahit mag amoy lang. Sunod mo na ung sibuyas, hanggang maging transparent lang. Tapos manok na of your choice of part. Wait til magsabaw para lasa rin ng manok. Tubig na. Kunti lang. Tapos toyo ( akin minsan pinapatagal ko muna sa toyo para manuot ung lasa sa laman) Suka Paminta Asin Laurel (optional) Pwede ka rin dagdag ng chix cube if mas gusto mo malasang manok. Ilalagay mo habang nalalaga pa ung manok sa toyo at suka. Sakin minsan nilalagyan ko din ng onion rings sa top for garnish lang. (arte e). 😂

Magbasa pa