✕

Share lang po .

May mga kapareho po ba ako dito, kapag nagalit sobra nagwawala at nagsisira ng gamit. Yung kahit anong mahawakan ibabato kay jowa sa sobrang inis. 17weeks preggy ako, Nagaway kami last january, dahil sa narendi ako sa bunganga niyang mas malakas pa sa babae. Nagaalmusal kami, sakanya lugaw, akin champurado, tinikman ko lugaw niya nasarapan ako,sabe niya sige kainin mo, naubos ko na po champorado, so kinain ko naman po lugaw pero busog na po ako kaya di ko na rin naubos lugaw, sabe ko ayaw ko na busog nako. Pinipilit niyang ubusin ko yung lugaw, masakit na po kase tyan ko. Hanggang sa sabe niya "ano ba yan bakit napaka arte mo". sabe ko pakialam mo bakit mo ba pinipilit e ayaw ko na nga. "ang arte mo". nung huhugasan ko na po sana plato bigla nanaman siyang nagsabe "bakit ganyan ugali mo mahal napaka arte mo". Sa sobrang inis ko yung pinagkaininan namin mangko hinagis ko sa bandng paa niya tas naiyak na ako sa sobrang inis. Napaka sensitive ko sobra. dahil lang sa sinabihan niya akong napaka arte ko raw. Pangalawa ngayong araw, nagpapasama lang akong kumuha ng philhealth tutal nagrestday na rin naman siya samahan niya nalang ako kase mejo hilo nga ako ewan ko bat pag aalis ako ganon. Lahat na ng paglalambing ginawa ko para samahan niya ako. Pero nung nakabihis na ako halos ayaw niyang tumayo sa higaan, sabay sabing "haynako di makaalis magisa". sabe ko tangina mo wala ka talagang supporta. Suppota mo lang financial. sabe ko wag kana sumama. sagot niya "okay madali akong kausap (sabay higa)". Don na po nanginig laman ko sa inis. Yung tsenilas at bag na hawak ko naibato ko po sakanya pati yung maliit na durabox hinagis ko rin po skanya haban minumura ko siya at naiiyak na ako sa inis, bote ng 1.5 na may tubig hinagis ko rin po sakanya, sabe ko po "pag sa iba napakabilis mong hayup ka". Sabe ko wag siyang lalabas dahil ipapahiya ko siya, hindi siya lumabas di ako nakuntento, hinampas ko siya at sinampal at sinabe ko sakanya "Pag namatay tong batang to kasalanan mo!! ". (nakunan na po ako once) Hanggang sa nilalambing niya na ako at sasamahan niya na raw ako pero ayoko. matigas ako. umalis ako sinabe ko lang sakanya na ako na magaasikaso ng philhealth ko. Pero ang ginawa ko pumunta ako ngayon sa kaibigan ko at ayaw ko siyang uwian. Nakakasama ng loob mummy, wala siyang kasupporta supporta. Sa checkup kundi pipilitin di sasama sa pagaasikaso ng philhealth tamad na tamad ag andaming sinabe. Hindi niya maintindihan nararamdaman ko. Naiiinggit ako sa iba na sa lahat ng lakad kasama ang asawa nila. ? Nasasaktan at nanliliit ako kapag sinasabihan niya akong tamad, buti nga raw ako nakahilata lang maghapon. Kahit alam niyang nakabedrest ako. Meron pa yan, inaasikaso ko na siya ng almusal sinisigaw sigawan niya pako na parang katulong niya, magalmusal daw ako magisa. Nakakastress, Naawa ako sa baby ko, kase alam ko naisstress rin siya. Kaya sabe ko talaga sakanya kasalanan niya to kapag namatay to. isusumpa ko siya!!!!

15 Replies

Ako sis sobrang inis ko sa mister ko dahil dati matulungin siya sa mga gawaing bahay pag ako nagluto siya nanghuhugas pero ngayon lahat inasa niya na saken. Mula pagbangon di man lang makatupi ng mga kumot tapos didiretso sa gamehouse(maliit na kubo sa labas ng bahay namin kung saan nandun yung computer niya) tapos papasok lang siya ulit sa bahay pag tinawag ko kasi kakain na after nun babalik ulit dun at magdodota/games maghapon minsan abot pa ng gabi. Homebased business po ang work niya at lumalabas lang siya pag may nagdedeliver na customer (buy&sell) but non computer related. Wala man lng siya kusa magcheck ng mga gawain sa bahay kailangan pa ipaalala lagi. Tuwing gabi lang ngkkatubig dito sa amin pero di man lang nagkukusa mag igib alam niya n bawal ako magbuhat ng mabigat, kahit pang inom namin lagi nagkakaubusan kaya pati pasensya ko nauubos na rin, nung isang araw ako na nga nagluto maghapon di man lang makatulong sa paglinis ng lababo tambak na hugasin naglalaba pa ko undies namin nung gabi 7pm na nakahilata lang at nagccp siya sa kwarto yung bintana sa bahay di man lang naisipan isara pumapasok na yung mga lamok, inutusan ko pero parang di ako narinig, sobrang galit ko padabog ako nanghugas ng mga plato at kaldero talagang binabagsak ko ng malakas yung mga kaldero para mkaramdam naman siya. Kinabukasan naging okay din kami dahil di ko naman siya matiis. Ngayon pinasok niya computer niya sa loob ng bahay akala niya siguro yun kinagagalit ko na dun na siya halos nakatira sa gamehouse niya, pero di p rin tumutulong sa mga gawaing bahay 🤦 Gusto ko ng maubos pero pinagpapasensyahan ko nalang muna dahil alam ko hindi rin naman ako perpektong asawa.

I think dahil sa pag lilihi mo po yan sis.. Kaya ganyan ka, ka sensitive.. Lalo maselan ka PA.. Dapat intindihin ka NG mister MO.. Mawawala din nman yan pag lumipas na paglilihi.. Nag babago kasi hormones natin.. Ako kahit anung galit ko sa mister ko di nya ako nilalabanan.. Sa lahat NG lakad ko Kasama ko sya.. Hatid sundo nya ako. Baka dw kasi makunan ako.. Same sayo sis.. Maselan din ako.. Bedrest din ako.. Pero ni minsan di ako sinabi an NG mister ko na tamad ako o anu PA man.. Kasi hanggat Kaya ko pinipilit ko bumangon sa Umaga Para mapaghanda sya NG pakain at baon nya.. Actually ayaw NGa nya gumising ako ng maaga Para dw Maka pahinga ako ng maayos.. Naisip ko tuloy sis swerte ko sa mister ko😊 sorry sis pero ayoko sa ugali NG mister MO.. Dapat sa panahong ganito tayo sila Yung #1 supporter natin.. Hindi Yung sila PA nag da down satin.. Try MO na lng sis wag mag paka stress sa kanya.. Dilikado ksi yan, baka makunan ka ulit.. Ingatan MO sarili MO..

Thank sis. Hope na matauhan mister MO.. Kawalan nya din pag may nangyari di maganda sayo saka KY baby..

Sobrang emotional lang tlga tayo pero sa sitwasiyon nyu nahihirapan tlga ang mga lalaki ng intindihin kung anu ang pagbabago sa ugali at gawain natin lalo na pagbuntis,biglaang pagbabago kasi.feeling ko mamsh ang dapt mo nlng gawin ay tumahimik at wag na kumibo at pagnakipagayus si hubby mo sau makipag ayus ka at magusap kau ng maayus at pagusapan nyu kung anu ang problema nyu lalo kana na may pagbabago sau at ipaintindi mu sa kanya yun sa magandang pakikipag usap😊 pde nmn un dba mamsh...? Chill lng tau.. nalampasan ko nmn ang pagiging war freak ko ngayun 38weeks preggy na ko.. kalma kalma lang khit nagiinit ang ulo ko😊 wawa c baby nasstresa din eh..

VIP Member

Wala ako masabi sis. Di ko alam kung sino ba ang may kasalanan sa inyo. Nagaaway naman kmi ni hubby pero sigawan lang to release anger, ganun din sya. Pero after an hour nagsosorry na sya khit sino pa may mali kasi alam niyang nkakasama un sa buntis. At ikaw din pls control ur emotions. Kawawa si baby sis. Mas unahin mo sya kesa jan sa emotions mo. I've been there pero after ko magalit or mastress sorry ako ng sorry sa baby ko and I'm making sure na di na mauulit. You should be the one to protect your baby inside kasi nakakaapekto sa knila ang stress natin😊

VIP Member

Normal sa mg asawa ang mag away pero yung magsakitan at magsira ng gamit hindi po ata tama yun mabigat sa pamumuhay ang ganun. Naranasan ko po pmunta sa prenatal chek up na ako lang po mag-isa give and take lang po syempre pagod c hubby to provide our needs give him time to rest. Mas makokonsensya ang lalake kapag dika umiimik kesa maghuhurumentado ka natural na kc sa knila ang pang aasar.

Momsh prone ka sa post partum. Sana maayos mo na agad ung anger management mo bago ka manganak. Ang mga nagsisira ng gamit ay may violent tendencies at pag di naagapan, baka pati sarili mo masaktan mo and also ung new born. Hindi ako ganito pero kapag sobrang galit ako, I do self harm pero nagpatheraphy na ko at okay na ko ngayon.

Hala grabe nman.. ikaw po ang nagdadala sa baby mo kaya dpat ikaw ang unang unang nagiingat sa baby mo. At kung alm mong nkaka stress or maistress ka at si baby umiwas ka. Wag mo isisi lng sa asawa mo kung may mangyare sa baby nyo kase ikaw ang nagdadala sa kanya kaya dpat ikaw ang nagiingat sa baby mo. Responsibilidad nyo pareho yan.

Sa kwento mo teh nagiging toxic ka na. Ang malas sa buhay nung may kasama kang nagsisira ng gamit at naghahagis. Kami ng asawa ko di na lang kami nag iimikan, ayaw namin ng ingay pag nag aaway at lalong ayaw naming nagsisira ng gamit.

Malas sa buhay ang nagsiaira at nag babasag ng gamit .. ugaling toxic po iyan .. kung kayang mag timpi, magtimpi tayo ... hingang malalim lang .. dahil maaring magkaroon ng lamat ang relasyon nyo dahil dyan sa attitude mo

Ngayon ko lang po yan nagawa sa 2yrs naming live in. Hindi ko po napipigilan na batuhin siya ng kung anong hawak ko. Habang nakikita ko siyang sinasaktan ko siya naawa ako pero nangingibabaw yung galit. 😭

Ang toxic mo. Pag pinagpatuloy mo yan iiwan ka ng partner mi bahala k.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles