24weeks preggy

share ko lang nararamdaman ko mga momsh. Im sure dito mas maraming mkakaintindi sakin. Alam ko naman na di lahat ng buntis pare-pareho. Iyakin na ako dalaga pa lang ako. Netong nag buntis ako, sobrang napaka emotional ko. Masigawan lang ako umiiyak na ako, mapagsabihan lang ako umiiyak na din ako. May mapanood ako na nakakaiyak, or mabasa naiiyak na din ako. As in sobrang iyakin ako lalo na ngayon. Kaya ko naman kontrolin ung inis ko at pagiging emotional ko pero my point tlaga na hindi mo na kayang ikontrol e. Yung tipong sobrang nakukulitan kna at naiinis, minsan napapalagpas mo pero minsan sobrang inis kna ngagalit ka na lang tas pag nagalit ka ikaw pa yung papagalitan, keso madali daw uminit ang ulo, iniistress daw ang sarili. Bakit hindi nila maintindihan yung pakiramdam na ayaw mo naman tlaga mainis, magalit or maiyak pero dahil di mo na mapigilan sarili mo wala kna magawa kundi umiyak nlang s inis kase di ka naman nila naiintindihan e. Sa totoo lang nkakapagod yung ganito, yng sobrang emotional ka. Nakakapagod kase iyak k ng iyak sa walang kakwenta kwentang bagay na tipong di mo naman mapigilan sarili mo. Ang hirap nung naiinis ka sa isang bagay na wala namang dapat ikainis. Nakakapagod umiyak, sabihin pa nila ang arte mo,umiiyak ng wala namang dahilan. Srsly, hiral ng di ka na naiintindihan ng mga kasama mo sa bahay :'(

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hang in there!