Anu ba dapat kong gawin? Please advice po ?

Mga kamomsh ko penge nman poko ng advise kung ano po ba dapat kong gawin.. May kalive in partner po kase ako yung tatay ng anak ko mag2yrs n po kmi ngsasama tpos yung bby nmin ay 11months na.. Kase mga momsh sa twing magtatalo kmi kung masigaw sigawan ako at mura murahin tapos ilang beses na ko sinapak at sinampal? diko lng mgawang mkipaghiwalay kc ntatakot ako n lumaki anak ko ng walang tatay. Peru itong nkaraang pananakit nya sakin grabe na.. Nasasakal daw kase sya sakin.. Ang sakin lng nmn mga momsh konting ingat kung baga laylo muna sa tropa kase nga po diba may virus.. E yung lgi nya kinakausap is frontliner pa tapos nkikipag inuman p sya dun minsan tapos nung minsan mgtanong ako s knya at sinabihan ko e ngalit nkakasakal daw po.. Mga momsh ng iingat lng nmn po ako pra s bby nmin kc di nten alm kung sinong klaban tpos yung pnanakit n gnawa nya sakin habang yakap ko sa kaliwang kmay c bby sinasakal nya ko tapos kinuha nya c bby inihga sa kama tapos sinapak ako at inuntog ng inuntog yung ulo ko sa dingding dipa nakuntento kinaladkad ako ng nkahiga palabas ng kwarto hinila nya ko angsakit ng bewang ko kase tumama sa may pinto.. Gusto ko ng umalis kung dilang lockdown kaso iniisip ko anak ko lalaki ng wlng tatay.. Peru andun n yung takot n bka maulit uli.. Ngkandapasa pasa ktawan ko.. ???? diba po dapat ang babae di sinasaktan

74 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ate wag kang matakot na lumaki yang anak mo na walang tatay. Baka mamataynka pa dyansa ginagawa ng asawa mo sayo! Isipin mo na lang yang anak mo. Baka mamaya naka shabu pa yang asawa mo. Grabe yung ginagawa sayo halos patayin kna.

Sis iwan mo na yan hanggat maaga pa baka sa susunod mapatay kana niya 11months palang baby niyo pero kung saktan ka niya. My tatanggap din sayo at makakahanap ka pa baka mamaya sa anak niyo pa gawin yan pag laki laki

Mommy kung abusive ang partner mo hiwalayan mo na po. Baka paglaki ng bata,magawa nya din po sa anak mo yun. Isipin ko nalang po yung bata. Hayaan ko ng lumaking walang tatay kaysa araw araw kayong mamuhay sa takot.

Dadating ang time, ung anak mo nmn ang sasaktan ng ka-live in. Makitid ang utak ng partner mo. Sayo nakasalalay ang magiging future ng anak mo, kung mahal mo tlga anak, hihiwalayan mo sya at bubuhayin mo ang anak.

nako moms umalis kana dyan, wag mo na isipin ang tatay ng anak mo kung ginaganyan kadin naman ma mamatay ka sa saknya at wag munang hintayin mangyari yun kasi baby mo naman ang kawawa pag nawala ka.

Umalis kna.. Kayanin mo lahat para sa baby mo.. Pag sinasaktan kana kasi ibang usapan yun.. Hindi ka nyan mahal.. Magising ka ate.!! Magpamedical ka. Para makabawi ka sa mga pananakit nya sayo..

VIP Member

Mas mabuti ng walang kalakhang tatay kesa bugbog sarado lagi ang Nanay. Praying for you na sana mahanap mo ang courage para ipakulong partner mo sa ginagawang pananakit saiyo. Be brave and firm.

VIP Member

Hay nako sis hiwalayan mona kaysa naman magdusa ka dyan..mapapalaki mo naman ang anak mo ng wala sya eh...atchaka kung ganon kalala na ginagawa sayo...baka magawa nya rin sa anak mo kawawa naman

VIP Member

Layasan mo na momsh ganyan klaseng lalaki. Wag ka matakot na mawalan ng tatay anak mo hindi ka nagiisa sa ganyan. Ang katakutan mo kung ano pa pwedeng gawin sayo ng hayop mong live in partner.

Takot ka mawalan ng tatay anak mo pero di mo naisip na pwede mawalan ng nanay anak mo dahil sa ginagawa sayo.. Mulat mo na mata mo, di mo deserve yung ganyan klaseng lalaki