Anu ba dapat kong gawin? Please advice po ?

Mga kamomsh ko penge nman poko ng advise kung ano po ba dapat kong gawin.. May kalive in partner po kase ako yung tatay ng anak ko mag2yrs n po kmi ngsasama tpos yung bby nmin ay 11months na.. Kase mga momsh sa twing magtatalo kmi kung masigaw sigawan ako at mura murahin tapos ilang beses na ko sinapak at sinampal? diko lng mgawang mkipaghiwalay kc ntatakot ako n lumaki anak ko ng walang tatay. Peru itong nkaraang pananakit nya sakin grabe na.. Nasasakal daw kase sya sakin.. Ang sakin lng nmn mga momsh konting ingat kung baga laylo muna sa tropa kase nga po diba may virus.. E yung lgi nya kinakausap is frontliner pa tapos nkikipag inuman p sya dun minsan tapos nung minsan mgtanong ako s knya at sinabihan ko e ngalit nkakasakal daw po.. Mga momsh ng iingat lng nmn po ako pra s bby nmin kc di nten alm kung sinong klaban tpos yung pnanakit n gnawa nya sakin habang yakap ko sa kaliwang kmay c bby sinasakal nya ko tapos kinuha nya c bby inihga sa kama tapos sinapak ako at inuntog ng inuntog yung ulo ko sa dingding dipa nakuntento kinaladkad ako ng nkahiga palabas ng kwarto hinila nya ko angsakit ng bewang ko kase tumama sa may pinto.. Gusto ko ng umalis kung dilang lockdown kaso iniisip ko anak ko lalaki ng wlng tatay.. Peru andun n yung takot n bka maulit uli.. Ngkandapasa pasa ktawan ko.. ???? diba po dapat ang babae di sinasaktan

74 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bakit po kyo natatakot kung walang tatay ang anak mo ? Ehh di naman sya matinong asawa sayo. Madaming anak dyn na walang nakilalang ama pero mabubuti namang bata. Siguro rason mo lang na takot ka na walang ama ang anak mo, yung totoo takot k mawala ang asawa mo sayo ? Just saying.

VIP Member

Ano po bang gusto nyo magkatatay nga yung baby mo pero nakkta na sinsaktan ka . ? Pwede naman sya maging tatay ng di kayo nagsasama . Ako nga di din alam kung paninindigan kme ng tatay ng baby ko pero sumusuporta sya . Kaya mo yan kaht wala yung tatay kesa gmyan situation mo

tanginang asawa yan walang kwenta ampota aanak anak mag aasawa tas mananakit iwan mo na wag mo isipin na lalaking walang tatay anak mo. gusto mo ba na habang lumalaki anak mo ganyan pa rin ginagawa sayo tapos nakikita pa nya. iwan mo na yang gagong yan walang balls amputa.

Iwan mo na yang talipandas na lalaking yan. Kunti pa baka ikaw na yung viral na binubugbog. Pag pinagbuhatan ka na ng kamay out ka na dapat agad. Kayang kaya mong palakihin ang mga anak mo ng ikaw lang mag isa. Kesa naman ganyan ang ama ng anak mo ubod naman ng walanya.

VIP Member

Hiwalayan mo na yan na mommy! Wala kang mapapala dyan. Hindi gaganda buhay mo at lalong hindi gaganda buhay ng anak mo kapag ganyan situation niyo. Huwag matakot na isumbong sa brgy yan. Bobo ang partner mo, iniisip niya sarili niya. Kailangan turuan mo siya ng leksyon.

Walang lalakeng nasasakal kung mahal ka talaga niyan at kuntento sayo. Wag ka matakot na lumaki ung bata na walang ama. Mas matakot ka kung nakikita ng bata na sinasaktan ka. Single mom here 🙂 be strong kakayanin mo lahat ng pagsubok basta isipin mo lang anak mo ❤

So sad 😭 bakit meron mga lalaking ginyan? Sis, iwanan mo na kesa naman pati anak nyo sa susunod saktan rin yan. Iba na panahon ngayon, wag ka matakot na mawalan ng ama anak mo kesa naman lumaki sya at makasanay nya na sinasaktan ka ng tatay nya sa harap nya.

nkakatakot nmn yang lalaki yan, report mo yan. Natatakot din ako sa kwento mo, Wag muna kausapin kasi sabi nya nasasakal na xa, tumahimik ka muna pag ok na wala ng quarantine umalis kna sis baka mapatay kna nyan.. Maawa ka sa sarili mo. You don't deserve that.

5y ago

Oo nga po momsh ganun nga po ginagawa ko hindi ko po pinapansin kahit anong gawin nya.. Anghirap lng kase lockdown e diko masabi sabi sa pamilya ko ginawa nya sakin kase ayoko mag alala sila lalu na ang inay baka kase kung mapano e. Bka magsisugudan pa sila kuya dito. Ayoko kase n magkagulo pa. Ippaliwanag ko nlng pag uwi nmin atlis nandun n kaming mag ina sa puder nila inay

madali lng prblema mu sis kung gsto mu tlaga umalis jn ,mgreport ka sa brgy nyo at cgrdo tutulungan kapa nila malayo sa hudas mung kinakasama😤lalot malaman nila snasaktan ka my kakalagyan yn.dna uso magpka tanga ngaun.just saying lng☺️

TapFluencer

alam mu mommy once n sinaktan k o npagbuhatan k ng kmay ng asawa mu dpat nilayuan mu n sya kc mkakasanayan nya n un .. kawawa po tlga ang anak mu pero kesa nmn paulit ulit k nyang saktan .. lumapit k sa mga mgulang mu pra mtulungan k nila