74 Replies

Wag po kayong matakot na iwan yang lalaking yan lakasan nyo po ang loob nyo para kay baby .kc kung mag stay ka pa rin po maari pong maulit uli yung ginawa nya sayo baka sobra pa sa susunod 😭 mag ingat po kayo lage ng baby mo wag mo hayaang nakikita ni baby na sinasaktan ka ng tatay nya kc ma trauma ang bata kagaya ng anak ko 😭 ngyon mag 7 y/o na anak ko naka tatak pa rin sa isip nya yung nakikita nya ...be strong po ate ❣️❣️🙏🙏

Alam mo na tama at mali, nasasapak ka na nga buong pamilya parin naiisip mo, ako lumaki akong broken family, pero never akong mag rebelde at lumaki akong mAayos at edukada, nasa pagpapalaki mo yan. Hindi naman happy family ang bubusog lang sa anak mo. Kaya mo yan ibigay ng ikaw lang. Pero kung happy family parin ang gusto mo o edi magpasapak ka nalang ng magpasapak kada away nyo. Di ako balasubas sumagot, realidad lang ang opinyon ko

Diyos ko nman sis sinasaktan kana halos mapatay kapa nanjan parin yung pride mo na ayaw mung lumaking walang tatay ang anak mo, isipin mo na lang yung magiging personalidad ng anak mo kung lumaki syang kasama ng ama nia at nakikita yung ginagawa sayo, baka hindi kana rin respetuhin ng anak mo.. isipin mo sarili mo at anak mo ok lang na lumaki yang walang ama kaysa ng titiis ka sa ganyang kalagayan.,

Wag mong idahilan ang anak mo momsh na lalaki ng walang ama. Marami na pong lumaking bata na walang ama pero maayos naman ang naging buhay. Sa tingin mo ba kung mag stay ka sa asawa mong bugbugero magiging ok kayo ng anak mo ? Di mo deserve na magtiis sa ganyang lalaki mommy,buo nga pamilya mo pero baka di mo alam sa mga susunod na araw mapatay kana nyan mas lalong kawawa ang anak mo.

HINDI PO NAKAKAMATAY ANG WALANG TATAY O WALANG ASAWA. MAS NAKAKAMATAY ANG MAKIPAG SAMA SA TAONG GANYAN. IF YOU REALLY CARE FOR YOUR BABY, LEAVE! WAG MO GAWING RASON NA AYAW MO MAWALAN NG AMA ANG BATA. SELFISH REASON YAN. SAVE YOURSELF. SAVE YOUR BABY FROM A TOXIC KIND OF RELATIONSHIP. MAGPATULONG KA SA BARANGAY NYO. MAGPA TRANSPORT KA. UMUWI KA SA BAHAY NYO. PLEASE. PLEASE.

Wag ka matakot mamsh na lumaki ng walang tatay ang anak mo. Mas matakot ka na lumaki siya sa ganitong environment at isipin niyang normal lang ang nagkakasakitan. Iwanan mo.umuwi ka sa inyo. Humingi ka ng sustento. Pero wag na wag kang papayag na bugbugin ka at saktan ka. Ang pananakit ng asawa mo ay hindi pagmamahal. Pagkawala ito ng respeto sayo bilang babae,at nanay ng anak niya.

Ay nako nanay di na uso ang tanga tangahan ngayon sa asawa. Dapat una palang na pagbuhatan ka ng kamay nyang asawa mo nag alsabalutan ka na at binitbit mo yang anak mo. 2020 na jusko naman. Di mo ba kayang buhayin anak mo? Kaya mo yan wag kang mahiyang humingi ng tulong sa magulang mo o kung kanino na tingin mo tutulungan ka. Wag mong hintayin na yang anak mo na ang ibalibag.

Momsh wag martir wag kang matakot lumaki ng walang tatay ang anak mo ang mahalaga makaalis ka dyan. Kesa naman lumaki ngang may tatay ang anak mo pero lalaki syang walang nanay kasi kakabugbog ng tatay nya sa nanay nya. D na po kasi biro ung ginagawa sayo ng kalive in mo. Kaya dapat po umalis ka na isama mo na si baby mo im sure andyan naman parents mo maintindihan ka nila

VIP Member

In my opinion at base sa experience ko narin.minsan kasi dinadahilan nalang natin yung bata kaya tau nagsstay.kasi natatakot tayo na mgkamali.ntatakot ka magisa.at umaasa ka na mgbabago pa.pero ang mssbi ko lang sau kung d mo siya iiwan hindi mo malalaman ang importancya mo.kaya mo yan natatakot ka lang .wag mo na patagalin lalo ka lang magsisisi pag di ka pa kumilos now.

VIP Member

sis once nanakit yan. delikadong kasama sa buhay yan. uulit ulitin nya yan sayo, baby palang anak nyu gnyan na yan what more. .... impyernong buhay yan sis. gsto Nyan ung gsto nya is gsto nya un masusunod. dami kong kilalang gnyan sa paligid namin. walang hiya yan lumalala pa ung ganyan, kawawa kalang sis. 1st of all. wala syang karapatan saktan ka. pde mo pabarangay yan.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles