Hello.
1. Hindi po maba-validate ng life history ng husband mo ang ginagawa niya sainyo mag-ina. Abuse is abuse, walang justification sa abuse. Mali ang abuse. At may bad effects ito sa tao esp sa growing child.
2. I understand yung takot mo na ipa-alaga sa iba yung anak mo, since ako personally may bad childhoon din sa abuse. Pero, what is the difference? Lumalaki na rin ang anak mo sa abusive household. Abuse na rin ang nawiwitness niya. Malala from his/her own parent pa na supposedly protector niya. Surprisingly di pa sinasaktan anak niyo physically. Pero yung ginawa niya may effects na yun sa developing brain ng bata.
Atleast kung doon sa mother mo, kuhaan mo ng taga-alaga, kabitan mo ng cctv ang bahay, macontrol mo pa ang environment at mga tao magaalaga sakaniya.
3. Sa religion, personally I don't see any difference between RC and Christian, since same lang naman kayo ng god na sinasamba, si Jesus (pbuh). If he truly believes in God, hindi justification na iba kayo ng religion para tratuhin kayong mag-ina ng ganyan.
Protect your child at tumakas na kayo dyan. Hindi yan magbabago since kakampi niya rin parents niya. And please wag mo nang balikan. 4 years is enough years para magbago, kung gusto niya talaga.