Fulltime housewife
Hello mga ka TAP lalo na sa mga full time mom like me. ngayon lang ulit nakapag post simula nang nanganak ako 3 years ago .Pa labas lang po ng hinanakit at talagang di ko na po kinakaya.. mag 4 years na po akong married and my LO is 3 years old. Dati po ako nag trabaho abroad, travel kung saan saan bansa, umuwi sa Pinas at dito na ako nakapag work atsaka nagpakasal sa long time bf. Then bigla po nag ka pandemic. Nabuntis agad ako..napa resign sa trabaho dahil sa COVID na delikado para sa akin. nakapisan pa kami noon sa side ko. Then last year lang nakalipat na kami ni hubby sa sariling bahay namin..kahit mabigat sa loob ko na iwan ang mother ko 😔 pero kailangan. At dito na po nabago ang lahat .. yung asawa ko lumabas na ang totoong ugali, marunong na mag sinungaling di ko na po iisa isahin yung mga kasinungalingan nya. 😔pag nag aaway kami nag sisira sya ng gamit like pintuan namin sa room na PVC door sinipa nya kaya nag karon ng butas, yung division ng room namin na gawa sa plywood sinuntok nya kaya nagka butas butas din.. tinatakot pa ako na uubusin daw mga gamit namin sa kusina. Bago po ang mga gamit namin at nag uumpisa palang mag pundar ng iba pa , halos dito po naubos ang ipon ko sa pg papaganda at pag papa ayos ng bahay namin.. everytime na nag tatanong ako about sa work nya or kung sino ung kasama nya dahil may nakakita may angkas sya eh dinadaan po ako sa sindak.. samakatuwid nawalan po ako ng bibig tipong bawal magtanong , bawal mapagod kahit sa gawaing bahay ay tamad na rin pero nung naka pisan kami sa amin ay may pag kukusa naman.Totoo pala yun pag nakabukod na kayo dun nyo makikilala isat isa.. kaya yung pag mamahal ko sakanya napalitan na po ng takot at trauma pag nagwawala sya pati anak ko ay takot na takot at nanginginig.. wala po sya paki alam kahit marinig ng mga kapit bahay namin ang pag wawala nya .ako po ay nahihiya since bago lang po kami dito at wala pa masyado kakilala eh malamang napag tsismisan na rin kami. Napaka laki po ng pinag palit ko para sknya pati mga pangarap ko..kinalimutan ko.. naging full time house wife dahil wala po ako mapag iiwanan sa anak ko.. takot ako ipa alaga sya sa iba dahil marami ako napapanood sa news na bata na biktima ng child abuse. Pero lagi pina mumuka ng asawa ko na sya ang bumubuhay sa akin kaya parang nawalan ako ng karapatan.. gustong gusto ko na magtrabaho mahirap ang walang sariling pera .pero paano ang anak ko .😠Masyado na matanda ang mother ko para ipa alaga ko pa sknya. hindi ko nga po pala ito sinasabi sa pamilya ko dahil ayoko na mag iba ang tingin nila sa asawa ko pati po sa mga kaibigan ko di ko rin po kinkwento ito, pero sinumbong ko po ito sa mama at papa nya at ako pa po ang nasisi dahil tinalikuran daw po ng asawa ko ang relihiyon nila.. (btw katoliko po ako at born again chritian sila) simula ng pakasalan ako kaya naging ganyan ugali .. oo nga po pala noon mag bf -gf pa kami naikkwento sakin ng asawa ko ang eksena pag nag aaway ang magulang nya talagang ubusan ng gamit.. namamana kaya iyon? O dahil iyon ang nakalakihan nya. Di ko na lang sinagot ang mga byenan ko at di ko na sinabi na baka nag mana sainyo kaya ganyan din sya mag handle ng away mag asawa..nagwawala nag sisira ng gamit. hehe kaya pasensya na kayo at dito po ako nakapag out nang nararamdaman.. wala talaga ako mapag sabihan ang bigat po sa dibdib..😠salamat po sa inyo mag babasa po ako ng mga comments nyo.. pasensya na po kung medyo magulo ang pagkaka kwento ko umiiyak po ako habang nag ttype..#advicemommies #advicepls #fulltimemom