Ano ang unang ituro sa anak na makabisado nya.

Hi mga ka momshie. Hingi lang po ako ng advice kung ano ang magandang unang ituro sa anak ko. 3 yrs old na po cya at bulol tapos hindi marunong bumasa ng 123, or ABC. Alam nyang kantahin, kabisado nya, kaso bulol. . gusto ko talaga matuto na anak ko. Matalino naman sya 'sa paglalaro, panunuod ng videos (kabisado pa nya kantahin) mautak nga sya sa kalokohan at bibo hindi pa sakitin. At hindi nga sya makakalimutin;khit anung ituro ko na bagay sa bhay kabisado nya. Pag gusto pa nya tumakas para maglaro. Pinagpatong nya mkikita nya pra maabot at mabuksan nya pinto. Alam ko talaga matalino sya. Pero hindi sya marunong sa pag aaral 😔😭 Ano ba dapat unahin ko kasi nalulungkot ako para sakanya kpag tinuturuan ko tinatakot ko sya napapaluin ko. Tas umiiyak sya habang tinuturo ko. (Tumitigil na lang ako, naisip ko baka.hindi pa sya handa) Share ko lang, Ganun kasi ako natuto dati nung bata ako may panakot na patpat. Pero hindi ako bulol nun. 4yrs old ako marunong nako magbasa ng ABAKADA at marunong na kong numbers at ABCD. (Hindi lang tlaga sguro preprehas lahat na maaga natututo bumasa, katulad ko) Nasstress kasi ako dami nagsasabi na hindi ko tinuturuan anak ko. (Bulol pa daw) Eh halos punong puno nga ng Flash cards sa bahay. pati sa Tablet nya puro Learning's ang nandun.. Paano ba mga mamshie... 😭

Ano ang unang ituro sa anak na makabisado nya.
28 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Bakit mo ba siya pinipilit? Hindi pa siya ready kitang kita naman. Let her play, bata lang siya na gusto maglaro. Kung gusto mo siya turuan, umpisahan mo sa pagkabulol nya. Kakainis yung mga magulang na tulad mo, yung gusto mo ata 3 years old lang anak mo, pang college na ang learning capacity.

8 yrs old bulol pa pamangkin ko pero highest honor sya. Matalino araw araw nagaaral repetition. And yea, pinapagalitan talaga sya ng mommy nya kapag aral aral lang. pati ako mommy, not to brag my own chair pero ganon ako tinuruan ni papa ko kaya eto always top 1 and deans list nong college

ok lang naman po yan, sabi nga po nila magkakaiba yung learning capacity ng bata. hindi naman po kailangan madaliin lahat, lalo po kasi may gadget na ngaun mas inuuna ng bata yung mag-laro o kaya manood ng videos sa youtube kesa pakinggan tayo kapag may itinuturo tayo.

wag mo madaliin mamy 3 yrs old pa lang naman baby mo wag mo pilitin baby q 3 yrs old dn tinuturuan q mas nakikinig pa cya sakin kase pag nakikinig cya binibigyan q ng kht anong food bonding na namen d cya natatakot masaya pa cyang natututo

don't rush mommy,okei lang yan,,hayaan mo sya matuto in a way na di din mstress si toddler,try it in a fun way,yung parang laro lang or kaya naman may price,,repeat mo pang every word kasi dun sila mas nakakapick up e,kapag paulit ulit,

Super Mum

try learning through play approach. don't be too hard on your child or yourself. iba iba ang talino ng bata. 😊 3 yo din daughter ko and to be honest di ako strict with teaching her. mostly teaching through play talaga kami. 😊

Counting. Both babies ko counting una kong tinuro from 1 to 10 at wala pa silang 2 years old nakakabilang na sila.😊 Mas madali madevelop ang utak ni baby pag lagi mo syang binibilangan.

Mommy kapag nagtuturo ka dapat parang naglalaro kayo para maenjoy nya, kase kapag yung way mo eh galit ka, takot yung nararamdaman ng baby mo.

VIP Member

Iba iba naman ang mga bata momy.. baka pag nasa 4yrs na sya dun na sya matuto.. try mo momy basahan ng story book bago matulog 🙂

Momsh may iba't ibang kind kase ng baby when it comes in learning e. May fast learner and slow learner. Tyaga lang po momsh.😊❤