Hi mga ka momshie. Hingi lang po ako ng advice kung ano ang magandang unang ituro sa anak ko.
3 yrs old na po cya at bulol tapos hindi marunong bumasa ng 123, or ABC. Alam nyang kantahin, kabisado nya, kaso bulol. . gusto ko talaga matuto na anak ko. Matalino naman sya 'sa paglalaro, panunuod ng videos (kabisado pa nya kantahin) mautak nga sya sa kalokohan at bibo hindi pa sakitin. At hindi nga sya makakalimutin;khit anung ituro ko na bagay sa bhay kabisado nya. Pag gusto pa nya tumakas para maglaro. Pinagpatong nya mkikita nya pra maabot at mabuksan nya pinto. Alam ko talaga matalino sya. Pero hindi sya marunong sa pag aaral 😔😭
Ano ba dapat unahin ko kasi nalulungkot ako para sakanya kpag tinuturuan ko tinatakot ko sya napapaluin ko. Tas umiiyak sya habang tinuturo ko. (Tumitigil na lang ako, naisip ko baka.hindi pa sya handa) Share ko lang, Ganun kasi ako natuto dati nung bata ako may panakot na patpat. Pero hindi ako bulol nun. 4yrs old ako marunong nako magbasa ng ABAKADA at marunong na kong numbers at ABCD. (Hindi lang tlaga sguro preprehas lahat na maaga natututo bumasa, katulad ko)
Nasstress kasi ako dami nagsasabi na hindi ko tinuturuan anak ko. (Bulol pa daw) Eh halos punong puno nga ng Flash cards sa bahay. pati sa Tablet nya puro Learning's ang nandun..
Paano ba mga mamshie... 😭