Ilang Weeks Bago Manganak Ang Isang Buntis? And ano po ang sign na malapit na manganak?

Hi, mga mommy.. ilang weeks ang dapat bago manganak.. first time mom po, I'm 35 weeks pregnant and I have no idea kung ano pong sign na malapit na manganak

54 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Narito ang ilang mga kaalaman upang malaman kung ilang weeks nga ba bago manganak ang isang buntis. Ang normal na pagbubuntis ng isang babae ay maaring tumagal mula 37 na linggo hanggang 42 na linggo na kung saan mayroon pang limang linggo kapag ang isang sanggol ay maari ng dumating sa anumang oras ito ay itinuturing na normal na panganganak. Halimbawa, kung ikaw ay nanganak bago ang 37 na linggo ng pag bubuntis, ang iyong sanggol ay tinutukoy na premature at ito ay nangangailangan ng karagdagang pangangalaga. Karaniwang tumatagal ang isang pagbubuntis ng mas mahaba kaysa sa 42 na linggo ito ay tinatawag overdue at maaring magdala ng isang mataas na panganib o komplikasyon sa sanggol o sa nagsilang. Kahit na ang lahat ng mga buntis na kababaihan ay binibigyan ng takdang araw o tinatayang petsa ng panganganak, mula sa 1-10, 9 na sanggol ang tinatayang ipinanganganak sa kanilang eksaktong petsa ng pagsilang. Karamihan sa mga sanggol ay pinapanganak sa pagitan ng 37 linggo at 41 linggo ng pagbubuntis, kadalasan sa loob ng isang linggo sa pagitan ng kanilang takdang petsa ng pagsilang. Ang kambal (twins) at lalo na ang mga triplets at mas malamang na ipinanganak na wala sa panahon. Ang takdang petsa na ibinigay sa iyong dating pag ultrasound ay mas tama kaysa sa pagbilang ng iyong huling buwanang dalaw upang kalkulahin ito. Ang araw ng obulasyon (ovulation) sa regla (menstrual cycle) ay maaaring mag-iba, depende sa tagal ng kanilang regla, habang ang isang pag ultrasound o pag ii-scan ay maaaring matukoy ang eksaktong linggo at araw ng pagbubuntis batay sa laki ng embrayo (embryo). Maaaring maimpluwensiyahan ang iyong pinagbubuntis kung gaano na sya katagal sa iyong tiyan simula ng sya ay ipunla, malalaman ito kapag ang isang babae ay naglihi. Ang fertilized na itlog na mas matagal sa implant ay may posibilidad na magkaroon ng mas mahabang pagbubuntis mula sa pagpupunla hanggang sa kapanganakan.

Magbasa pa