Just want to open up
Hi mga inays.. sobrang nalulungkot lang ako and want to open up kasi wala naman akong makausap.. Nung dalaga pa ko is working ako, 4yrs ako sa last company ko bago ako nabuntis ng LIP ko ngayon w/c is kawork ko, YES, nabuntis.. broken hearted yung LIP ko nun and naaawa talaga ko sakanya kasi ayaw na nya mag trabaho, and suicidal sya. sakin sya nag open up kasi yung situation nila ng ex nya is so much complicated na nahihiya syang iopen sa mga kaibigan nya kasi sya yung tipo ng guy na mataas ang respeto sakanya ng co-workers nya. Kaka lift up ko sakanya sobra kong na attached, nakita ko sakanya yung "perfect guy" the way nya ikwento paano nya itreat yung ex nya.. as in nakakainggit. Sabi ko nun "may lalaki pa palang ganito" so ayun nga nafall ako.. naging official kami, masaya pero minsan nararamdaman ko talagang one sided love ang relationship naming dalawa.. and ayun nanga buntis ako.. parehas kami nagulat kasi sobrang bilis pero pinanindigan naming dalawa.. im working while pregnant, pinag early leave nya ako kasi nag woworry na daw sya sakin.. and bago ako manganak nalaman kong may babae pala sya, so kaya pala ako naka early leave to give space and time for them ng kabit nya na katrabaho din namin. Nalaman ko, walang umamin.. 1m na baby nung naconfirm kong totoo kasi nabasa ko na mismo yung conversation nila. Hindi ko nga pala naoopen yung phone nya privacy daw.. para akong mababaliw that time.. maraming nagagandahan sakin nung dalaga pa ako, head turner sa place of work namin.. pero nung nag buntis ako sa baby boy ko, mga inays sobrang pangit ko as in sobrang pangit at dugyot. While pregnant, nilalait ako ng ex ng LIP ko and her friends.. syempre buntis, maramdamin.. di ako lumalaban, umiiyak lang ako sobrang down sa sarili bat naging ganun ang itsura ko, nakaka depress. Pumangit, nambabae ang partner plus nilalait. Ready to work na sana ulit ako, pero nagka pandemic.. naapektuhan yung company ko, isa ako sa natanggal. So ayun, nawalan ng trabaho.. since nag early leave plus pandemic until now 1year na kong walang trabaho, wala namang may gusto nun.. sa pag sasama namin ng LIP ko puro away, syempre may trust issue ako.. and sya naman he's full of himself, as in hindi nya nakikitang nagkakamali sya.. hindi na kami nagkakaintindihan.. nasasaktan ako the way na itrato nya ko pero hindi nya yun nakikita, and bawal ako mag reklamo kasi mainit palagi ang ulo nya, yes ramdam kong hindi nya ko mahal. Parang susuko na ko mga inays, ang sakit sakit kasi na sinabihan nya kong ang tagal tagal ko nang walang trabaho at baka daw nakakalimutan ko na yun, ang sakit pala masumbatan.. EBF ako sa baby namin, sabi ko mag online selling ako ng food ayaw nya naman tapos makakarinig ako ng salitang ganon, plus nag apply nanga pala ko, for requirements na sana pero buntis nanaman ako, so pano na to?