Is my baby's development delayed?

Mga inay, I'm just worried pero hopeful padin at the same time. ang baby ko po kasi mag 7 months na sya this coming June 8, masama magkumpara sa ibang anak pero naikukumpara ko yung development nya based sa mga nababasa ko at sa mga ibang batang nakikita ko. Pure breastfeeding ako since nanganak. All is normal naman, tumatawa, lumilingon pag tinatawag, umiiyak pag nagugutom hanggang sa netong nag 6 months sya nag eexpect ako na makakakain na sya madalas ng solid food pero kahit anong ipakain ko ayaw nya ibuka bibig nya as in lahat ng puree na ginawa ko ayaw nya, mapa-squash, carrots, potato, banana, avocado, sweet potato tapos nagtry nadin ako ng cerelac. ayaw talaga ibuka bibig hanggang sa kinailangan ko na ilagay sa dropper, nakakain naman nya pero sapilitan, picky eater kaya pag ganun? pero dumedede po sya sakin at umiinom ng water. Medyo payat sya tingnan sa edad nya.. Then yung ibang batang nakikita ko nakakaupo na sa ganitong age going 7 months, pero yung baby ko diko alam pero pag iuupo ko sya natutumba sya. Minsan nabibiro pa ng mga lola na para daw sanggol na sanggol pa baby ko para sa edad nya. parang sobrang baby daw? pero pag itatayo ko sya tuwid naman paa nya kahit kamay lang nya hawak ko. pag nakadapa sya naiaangat nya yung ulo nya at naaabot nya yung mga toys na nasa paligid nya. Yun lang talagang pag upo, kahit may nursing pillow tumutumba sya.. Dapat napo ba ko mag worry actually nag woworry ako ng konti kasi hindi ganito yung 3 kapatid nya na sinundan nya. pero still hopeful na sana one of these days ay mag improve yung development nya or masyado lang po ako nag eexpect at nag cocompare?? NOTE: 5 months na chan ko nung nalaman ko po na buntis ako sa baby ko na to, kasi nag iinjectable po ako at hindi namin agad nalaman kasi wala talaga mens pag nag iinject ako then nung nag PT ako negative po. gang sa talagang lumaki nalang chan ko dun ko nalang nalaman, Plus, nagbabadminton pa ko at nagbabike nung mga 3-4 months chan ko na diko alam. may effect kaya lahat yun sa development nya ngayon? any moms out there na naexperience po ito. Thank you

2 Replies

sis engagement lang with baby. kumakain ka ba kasabay ni baby? nakikita ka ba niyang kumakain? nakikita nya ang food sa hapag? jan po naboboost ang curiosity ni baby about food. hindi po yan biglaan na porket 6months na si baby ineexpect na natin na makaka kain na sila. work-in-progress po yan. nd automatic. at nd rin sign ng development per se. may mga bata po na walang ganang kumain or not interested sa solids kahit 1yr old and above na. kanya kanyang lifestyle po tau. at iba iba maginteract with our babies. iba iba rin po ang babies ntn. if they're not ready yet, dont force them. if you think your baby is underdeveloping baka naman ikaw ang lacking sa routine niyo ni baby. interaction lang po muna and engagement. *** my baby always witnesses our eating together and i try to offer him (kunwari) foods esp. fruits kc may smell and color. during his 5th mo. his curiosity with solid foods begun when i tried to offer him an orange and his hooked in an instant.

iba iba ang babies mumsh. tama na hindi ka dapat mag compare. :) pero yung baby ko din nung 6months sya ayaw nyang mag solid. kala ko picky din sya since ang selan ko nung nasa tyan ko pa sya until nalaman ko po yung baby led weaning saka po sya kumain ayaw nya po pala ng puree gusto nya yung mga nakakagat nya and nahahawakan. sali po kayo sa group about sa mga ganun para makakuha po kayo ng tips. kung ebf po kayo and pasok pa naman po sa weight range ang weight ni baby okay lang din po as long na di naman po sya sakitin. and about sa development po. again, iba iba po ang babies. itrain nyo lang po ng itrain may iba po 1year old na di pa nakakatayo, 8 months na di pa marunong dumapa. kanya kanyang phase lang po yan.. kung di po kayo kuntento sa mga sinabi ko po. pacheck nyo nlng po sa pedia para di po kayo mag worry. pero para sakin naman po no need pa. 😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles