Pa rant lang po

May mga ibang tao kasi na judgemental iba iba po tayo nang sitwasyon, di lahat gaya nyo na may kaya sa buhay o may agad mapag kukunan nang pera pang pa check up.. given na po na need talaga since responsibility natin yan pero may times talaga na walang wala tayo, if may mag tanong po dito respect nalang wag un mag rereply kayo nang pabalang, di naman natin alam pinag dadaanan kapwa mamshie natin... Hindi naman sila mag download nang app na to kung wala sila paki sa dinadala nla, di lang talaga lahat meron agad agad... Kainis lang kasi iba ko nababasa ko un mga comments bakit daw di pa nag papacheck up kesyo ganyan ganyan, nakaka relate kasi ako mamsh ako gusto gusto ko mag pa check up para mabigyan vits si baby kung pd lang nga araw araw kasi praning tayo mga mamsh, pero di lang talaga pinalad kapos talaga, kain na nga lang hirap na, so please lets respect each other kung di ka maka pag comment na maganda its better wag nalang mag comment nang di ka maka panakit nang feelings, di nyo po kasi alam mga pinag dadaanan sa mga likod nang mga napopost dito.. kaya nga nag download nang app na ito to seek help, advice or idea, Hays sensya mga mamsh na inis lang ako..

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

maging praktikal nalang po sis. kapag alam mo namang pangkain na nga lang ninyong mag asawa hirap na kayo hanapin saan kukunin, wag na muna magdagdag ng isa pang palamunin. aanhin mo yung blessing na baby kung kawawa rin naman siya pagdating niya dito sa mundo kasi pati siya madadamay sa kahirapan. maraming way para hindi mabuntis agad andyan ang pills, aralin ang epektibong withdrawal or cndoms. isa rin ako sa mga pinush dati ng mga kamaganak na kesyo antagal na naming kasal pero wala pang anak. iniignore ko lang sila dahil hindi naman sila ang mahihirapan maghanap ng pangangailangan ng bata kapag nagkagipitan na sa pera. huwag isipin na porket blessing ang magkaanak e aanak na rin. lifetime responsibility yan.

Magbasa pa
3y ago

isipin mo nalang pagbubuntis palang at check ups palang hindi na kaya magprovide, what more pa kapag lumabas na ang bata. mas mahal pa dyan ang kakailangan mo. gatas at pampers palang buwan buwan nakakabutas agad sa bulsa.