Pa rant lang po

May mga ibang tao kasi na judgemental iba iba po tayo nang sitwasyon, di lahat gaya nyo na may kaya sa buhay o may agad mapag kukunan nang pera pang pa check up.. given na po na need talaga since responsibility natin yan pero may times talaga na walang wala tayo, if may mag tanong po dito respect nalang wag un mag rereply kayo nang pabalang, di naman natin alam pinag dadaanan kapwa mamshie natin... Hindi naman sila mag download nang app na to kung wala sila paki sa dinadala nla, di lang talaga lahat meron agad agad... Kainis lang kasi iba ko nababasa ko un mga comments bakit daw di pa nag papacheck up kesyo ganyan ganyan, nakaka relate kasi ako mamsh ako gusto gusto ko mag pa check up para mabigyan vits si baby kung pd lang nga araw araw kasi praning tayo mga mamsh, pero di lang talaga pinalad kapos talaga, kain na nga lang hirap na, so please lets respect each other kung di ka maka pag comment na maganda its better wag nalang mag comment nang di ka maka panakit nang feelings, di nyo po kasi alam mga pinag dadaanan sa mga likod nang mga napopost dito.. kaya nga nag download nang app na ito to seek help, advice or idea, Hays sensya mga mamsh na inis lang ako..

35 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Lagi paalala sakin ni Mama dati noong umabot ako sa teenager is “ ISIPIN MO ANG MAGIGING BUHAY NANG ANAK MO PAG NAG DESISYON KANG MAAGA SYANG DALHIN DITO SA MUNDO. OKAY LANG MAGIPIT SA BUHAY PERO HINDI OKAY NA HABANG BUHAY NAGIGIPIT AT MANGHINGI NG TULONG” pina laki ako ni mama na sya lang dahil namatay na si papa pero kahit akong hirap nya sa pag papalaki samin never si mama nang hingi ng tulong sa kamag anak or kaibigan nya kasi ang sabi nya responsibilidad nya daw kami at hindi raw maganda na panay hingi ng tulong sa iba dahil hindi naman daw namin alam kung ano pinag dadaanan ng ibang tao kaya kahit konti lang tulog ni mama todo kayod sya. Ngayon na ako na ang magiging ina sinigurado ko talaga na hindi man marangyang buhay ang maibigay ko ay hindi rin naman ako mag struggles sa financial nang sobra sobra para palakihin anak ko kasi pinag handaan namin mag asawa talaga. 26 na ako nakapag asawa at 29 na ako nag ka anak dahil pinag handaan namin . Ayaw ko mabaliwala mga pangaral sakin ni mama.

Magbasa pa