Pa-rant naman mga momsh. Pa advice na rin
Meron po ba sa inyo jan na uniform personnel esp PCG? Gusto ko lang sana pa advice. Fiance ko kasi ay PCG. Tapos nagka sidechick pa na PCG rin bagong graduate, during training nung mga babae nangyari tong kalokohan nila. Iniiwasan ko na talaga isipin pero lumalala yung anxiety ko at ppd dahil sa kanila. Sabi ng iba kong kaibigan na MIU kasuhan ko raw. At kung meron daw maikaso sa babae iconsult ko. Ang tapang kasi nitong babaeng to. Nag coastguard ata para maging homewrecker. Ako pa sasabihan na nababaliw. Mas baliw yung pumapatol agad at hindi kumikilatis. Sayang training mo. Cool ba magjowa ng senior? Tapos sasabihin mo sakin hindi lang naman ako yung nahihirapan dito, ikaw rin man. Ulol ka ba? Tapos sabi pa sakin may anak LANG raw naman kami at tinutustusan rin naman daw. Ganyan na ba utak ng mga babaeng uniform personnel ngayon? Grabe wala ako masabi. Eto namang fiance ko nagsisisi na raw sa ginawa nya pero wala man lang paramdam na totoong nagsisisi. Tamang hingi lang ng pic ng bata. May pa sabi sabi pa na gusto na raw bumalik samin. 🤦🤦