Doktorang kala mo nanay mo

Skl po ung experience ko, nagpaa advice po kasi ako sa ibang ob reason is para magamit ko manlang yung hmo card ko wala po kasi ako budget that time magpapa advise lang po about sa leave or bedrest , sabi ba naman sakin ng doktora ang dami daming gusto magwork tapos ako daw ayoko , isipin ko nalang daw yung nagwowork sa factory na nakatayo di nagrereklamo ako BPO nakaupo lang dami nirereklamo, ( i was just like doktora pa ba tong kausap ko or nanay ko ?) Tapos ang sabi pa kung andami ko raw nirereklamo dapat magresign na daw ako sa work . 7months preggy po ako tska na raw ako magfile na bedrest pag dinugo na raw ako, hindi yung irereason ko lang nahihirapang magpuyat at sumasakit ang ulo. #pregnancy

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Take advantage of your privileges. Sa company ko, though ang nature ng work ko kasi hindi pwede ang buntis talaga, the moment I told them im preggy, right away they issued me my maternity leave. But ofcourse no work no pay until i proved them I actually had a successful child birth then they will release my maternity allowance. If you feel the need to rest na, go and take it. Wag na i-risk ang safety nyo ni baby.

Magbasa pa

listen to your body sis. kahit pa nakaupo lang tayo sa work. mas mahirap nga yung walang tayuan eh.. kasi tutok ka lang sa computer talaga.. wag mo na po pilitin pumasok if hindi mo na po kaya at pagod nadin ikaw. kelangan natin ng pahinga para may lakas tayo sa panganganak

ay iba rin yang OB mo, parang inconsiderate.. nasa atin naman kung kailan tayo mag'file ng leave, listen to your body po. pwede po ifile ang 105 days maternity leave kahit hindi mo pa due date.. basta uninterrupted lang (means tuloy2)..

whaaaat grabe nman yan. matanda na siguro yan, chos. yung ob ko susuportahan pa ko sa gusto ko basta alam nya di makakasama sa bata, kung stress ang dahilan makakasama talaga yan, you deserve to use your privileges mamsh

naku may mga ob talaga na ganyan.. lalo na yung mga confident masyado na hindi sila mauubusan ng pasyente.. go, mommy, put yourself and your baby's welfare first, go on leave if you feel that you need it.

Opo medyo matanda na