Sobrang likot din ba baby nyo? Hindi pa nakakalakad kahit 1 year old na?

Meron po ba dito same case ng 1 year old baby ko na hindi pa din makalakad without support? Gusto ko na sana makalakad na sya alone, independently pero hindi pa masyado matibay ata tuhod nya. Haha. Any tips po para mas mapabilis? Tinanggal na nman andador at walker kase masyado sya matangkad baka mahulog tapos po ang likot likot nya na halos minsan eh binabagsak nya sarili nya sa kama kaya natatakot ako na baka pag pinalakad nmin mag isa eh mabagok ulo or kung ano pa man mangyari. Any thoughts?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi. Every baby is different at iba-iba talaga sila ng pacing. Pero SKL baby ko ay 1yr1m pa lang, before she turned 1 marunong na siya mag lakad on her own. Ngayon medyo expert-expert na siya, nadadampa pero tatayo rin agad haha. Never siya nag walker kasi maraming disadvantages ang walker sa development ng baby. Ang ginamit niya is yung monoblock na chair, tulak-tulak at hila-hila niya kung saan siya pumupunta, tapos binilhan ko rin siya ng wooden wagon same purpose din. Tapos pinapakapit ko siya sa daliri ko HHWW kami or sa mga furnitures like upuan, mesa, or sa wall niya isasandal yung kamay niya. Always lang akong nakasunod at naka-alalay sakaniya para pag incase matumba masasalo ko kaagad.

Magbasa pa
3y ago

Welcome. Hope it works ❤️