Pagpahid ng pugita sa gums ni baby (5 months old)

Meron po ba dito pinahiran si LO ng pugita (daw) yung gilagid para di daw po maselan ang pagtubo ng ngipin niya? May naging effect po ba sa health ni baby? Di ko po kasi sure kung ano talaga ang pinahid nila sa gums ni LO dahil inutusan po ako ng MIL ko and lola po ng partner ko magpunta ng SM, pagbalik ko po pinapahiran na nila si baby ng something (which is pinatanong ko kay partner, ang sabi ng Mama niya is pugita daw). Ngayon po iyak ng iyak si baby. Already checked his whole body, wala naman pong kagat or ano. Di rin po nilalagnat. Maghapon lang di natutulog and iyak ng iyak since pinahid yun. May instance din na gusto nilang painumin ng honey si baby at buti di ako pumayag at tinanong muna ang Pedia and sabi niya big NO po sa honey at baka magkaroon ng botulism.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Mommy for babies 6mos below no no po talaga muna sa kahit ano even water. Lumang pamahiin na po yang pagpunas ng kung ano sa baby, iba iba po ang babies. pa check up niyo po si baby lalo if pag nagtatae. Also siguro next time wag na muna iwan si baby na hindi ikaw or si hubby mo ang may hawak.