binyag at 1st bday

Meron po ba dito na nag binyag at 1st bday ni baby nyo na byenan nyo po gumastos? Sa binyag po nagkasundo kami ni hubby simple lang kasi less gastos saka hindi rin pagod. Nalaman ng byenan ko na ganun usapan namin ni hubby dahil nung nalaman nila na magpapabinyag kami nagtanong sila about sa handaan. Nagulat nalang ako nung sinabi ni sakin 2 weeks ata nun after nila malaman papanbinyag kami na may catering na daw sila nakausap at nakapag down na sila nagalit ako mga sis dahil hindi man ako ininform about dyan pero wala na ko magagawa nakapagbayad na sila ng half payment during celebration ok naman lahat successfull pero after dami ko narinig sa byenan ko na sila daw gumastos ganito ganyan.. 1st bday- nagkasundo ulit kami na ililibot nalang namin si baby sa zoo or manila ocean park dahil tuwang tuwa baby ko sa animals tinanong nila si hubby kung ano balak sa bday ng baby ko ayu sinabi ni hubby saka nalang kami mag hahanda ng marami kapag may pera na.. Ayan nanamn sila nanghiram ng tables and chair sa brg. Tapos catering pa sabi ko bakit ganun palagi nalang sila magdedecide? At isa pa po ang daming dami bisita na ka work ng byenan kong babae ata lalake classmate ng hipag ko naiinis ako mga sis kasi ayoko kasi lumaki baby ko na bongga mga bday celebration nya lalo na wala naman kaming pang ganon. And now sasabihin nila mga nagastos nila. Sa binyag 70k Sa bday 80-90k daw. What!! Parang balak nila pabayaran samin inuhan ng hubby ko na wala kaming ganyang lakaking pera kaya nga ayaw namin ng bongga dahil wala kaming pera.. Ang dami dami nila sinasabi samin mag asawa na hindi daw namin kayang ibigay mga ganyang bagay sa anak namin.

13 Replies

For me, mommy. Look on the brighter side nalang kasi nanjan na eh. If papabayaran nila sainyo yon eh parang ang lumalabas pasocial lang sila ganon? Let them spoil your child, nasa uprbringing niyo pa din naman yon as parents kung paano gagabayan ng tama yung bata para di lumking maluho. Nakakaoffend na magdecide sila ng ganon agad pero look at it this way, baka kasi unang apo or gusto iparanas ni mil kay baby yung mga ganon kasi di niya naranasan or di niya naiparanas sa mga anak niya. If they are bragging, let them. Di naman kabawasan yon sa pagkatao niyo eh, trust me amg nega impact is sakanila and di sainyong magasawa. Let it be and let God. Wala naman sigurong bad intentions and in laws mo. Cheer up and be grateful pero ituloy niyo pa din dapat yung plan like going to the zoo etc. Kaya mo yan momsh! Nasa perspective lang yan if pano mo gagamiting yung situation sa advantage mo. Pray 🙏❤

I agree. Swerte pa nga sya dahil nagbibigay ang byenan nya. Although dapat wag silang pangunahan kaso mas mukhang excited si mil. Maybe next time isama nyo sa pagpaplano si byenan

Pabayaan nyo bka nman 1st Apo kya ganyan hayaan nyo na lang basta ang malinaw wala kayong babayaran pera ksi wala kayong ipambabayad kung sakali dhl kung kayo lang gusto nyo simple lang. Ganun talaga may pamilya na kahit nag-asawa na yung kapamilya nila at pagdating sa ganyan gusto parte pa din cla lalo't meron nman silang kakayahan makatulong lalo financially, ang ipapalit mo lang nman sa ganyan ay pakikisama bilang pagtanaw ng utang na loob

Una sa lahat di mo naman sila inobliga gawin yun, sila mismo ang gumawa kaya bakit sipa magpapasaring ng ginastis, ayaw mo nga eh, sila ang nagpilit saka dapat kayo ang nasusunod kasi kayo ang magulang ng bata.. Labas na sila at dapat support lang, ano ba naman yang biyenan mo, sana inisip din nya mararamdaman mo, kahit ako mas prepare ko simple lang para di lumaki anak ko na maluho sa bagay bagay..

Alam mo walang masama if bongga bsta libre nila hnd kayo sisiningilin eh! De bale ng simple bsta WALANG UTANG! SARAP NOW,NGANGA LATER! Tpos sila gagastos pero isusumbat? It means hnd bukal sa puso nila ang paghanda pra sa apo nila. Sa ganyan halaga ng gastos sana pinangbayad na lang pra sa educational plan ng apo nila mas mainam pa.

VIP Member

They're wrong mumsh. Kahit na apo nila yung baby niyo, kayo parin yung magfa-final decision. Wala silang rights para ibahin without your concern yung plans niyong mag asawa. Talk to your husband, tell him na pagsabihan mga magulang niya.

Hirap ng ganyan, pinangungunahan sa pagdedesisyon sa sarili mong anak. Tapos at the end of the day isusumbat naman ung nabigay hahaha. Ibang klase yan. Sabihin mo sa asawa mo na kausapin mga magulang nya. Wala sa ayos

ako nga 28 weeks palang ngaun pero nag decide na lil sister ko na sya na daw sasagot ng binyag ni baby.Maganda yung ganun kusa loob di yung bigla mo nalang malalaman wala man lang abiso sayo

Sosyal naman pero sbhan mo din hubby mo n kauspin yang byenan mong hilaw. Kung paulit ulit gngwa dpt aksyonan muna di bandang huli ee lgi kang mkkrinig ng di mgnda jan.

Sarap sakalin ng inlaws mo te. Pakielamero masyado jusko. Pag saken di uubra yan. My baby, my rules.

VIP Member

ang bongga..tapos sa huli susumbatan kayo..hayyss sana sila na lang nag anak🤣🤣😝 kamote..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles