APDO NG SAWA
Meron po ba dito ang nakasubok na ipainom sa bata ang apdo ng sawa ? Pinipilit kasi ng biyenan ko na ipainom daw sa 3 weeks old baby ko para isuka.lahat ng.kinain nya sa loob ng tyan ko. Tapos yung anak ko duduwal duwal lang wala naman isuka kung kelan gabi tsaka sinasaktan ng tyan. (Nakakastresssssssss imbis mapahinga yung bata alam nyo yun nakakapagod magalaga ng bata sa ukaga lalo na sa gabi pa jusme)

Opo napainom na namin , tapos di ko na po inulit pero dumumi si baby ng green na kala mo mga pickles , pinacheck po namin sa pedia ok naman po daw yung dumi at ai baby. Sobrang stress ko na talaga sa mga trip ng lumang paniniwala. Kagabi sad to say pero nasagot ko yung biyenan kong lalaki nagalit nadin sa kanya yung biyenan ko na babae dahil bakit daw pinipilit yung ganun pinahihirapan daw yung sanggol sana kung sya nahihirapan. Sabi ng biyenan kong babae wag na daw sundin kahit sya alam nya yun pero kinakalukaw daw ang bituka ng bata pano daw kung nailabas na ng bata yung dumi sa katawan maghihirap lang daw ang bata kakasuka at LBM , tigilan ko daw. 😩 Buti nalang matino biyenan kong babae susme. aalamat din sa inyong lahat sa mga payo.
Magbasa pa




