Alternative Sa PEDIASURE
Hi, meron ba dito na niresetahan ng pedia nila ng pediasure? Breastfeeding kami pero kasi ang payat ng baby ko 8.5 kg for a 14 months old baby boy. Kaso worried ako dahil mahal ang gatas na yun hindi naman kami mayaman boosters nga pinipilit ko lang maibigay sa baby ko kahit wala nang mapunta sa savings namin. Sabi ng pedia makakatulong daw kasi yun sa growth ng baby ko. Enlighten me pls, ayoko namang ipag palit yung mga bakuna ng baby ko para sa formula milk. D ko rin sila kaya oag sabayin ng gastos dahil mister ko lang mag trabaho at di kalakihan ang sahod. Almost 30k yung mga list ng bakuna or boosters na kailangan namin kumpletuhin.. Tapos dadagdagan pa ng formula. Pano na? π₯Ίπ₯Ί