10 Replies
Sis ganyan din una nangyari sa akin nagpa check up ako nung nadelay ako at 3 positve PT ultrasound agad ako pero pagtingin eh ganyan din wala kahit anong makitang Gestational Sac Dec. 1 yun. Then pagka Dec. 28 Ulit ng Ultrasound ayun nakita na 7Weeks na ang baby sa loob ng Tummy ko. (dun sa Dec. 1 na Ultrasound ko sis. may nakita na parang maliit na bilog na halos parang tuldok lang sabi ng Sonologist na baka yun palang un. Tama nga sya) Pray ka lang and huwag mas stress
kailangan po kasi mataas na HCG po bago ultrasound. kasi kung mababa pa yan wala pa talagang makikita. it's either miscalculated ganyan kasi ako noon. after ko magpositive sa PT nagpacheck up agad ako. walang makita gestational sac sa uterus ko. sabi ng OB ko kailangan tumaas ang HCG ko after 3 days kasi kung hindi its either miscalculated or ectopic pregnancy. awa naman ni Lord after ng bloodtest ko tumaas HCG ko and im already 9 weeks prego.šš
sakin sis 5 weeks 6 days nung last ultrasound ko may gestational sac kaso wla pa heartbeat balik ako after 2 weeks. 7 weeks 2 days ako now di pa ko nakabalik. Baka after lockdown na lang kasi wala magbantay sa panganay ko di ko naman pwde isama lumabas at mahirap na.
hindi po
Ako din sis ganan nun 5 weeks ako nag patransv gs palang din nakita sakin.after 2 weeks pinabalik ako for transv ulit ok naman meron na siya my heartbeat na din.. 8 weeks pregnant na po ako ngaun
Think positive lang, early pregnancy pa lang kase un stage na yon. Wag ka masyado mastress masama yun sayo. Meron na yan after a week. God is goodš
Baka nga po early pregnancy. Think positive lang po mommy. Meron yan š Ipapaulit naman po yan after 2 weeks Sa calcutta din pala kayo nagpapa check upš Dun din kasi ako. OB ko si Dr. Lansangan
Pareho po tayo mommy 5 weeks ngayon kaka check up kulang din ngayon wala nakita din saken sana pag balik ko meron na pangalawang tvs kona po ngayon pero wala pa makita
Nagspotting ka po?
Ako sa second pregnancy ko ilang weeks repeat ultrasound. Early pregnancy kasi, thak God pagbalik mayron nš
Usually wala pa naman talagang makikita mommy pag 6weeks. Try nyo after 2 weeks or mas higit pa meron na yan.
Thank you
Normal lang yan momsh . Ganyan din aq dati best time mag pa ultrasound 8weeks pataas para sure .
Thank you
Jovie Cornel