Water at 1month old

Mejo nakakainis na byenan ko. Ayaw ko sanang painumin ng water si Baby kaso lage akong nireremind kesyo kailangan daw. Gusto ko kase sana pure breast milk lang ang maiinom niya sa loob ng 6months, nagstart nilang painumin ng water si Baby nung 15days old palang ! Ayaw ko sana kaso kahit partner ko umaayon sa parents niya. Naiyak nga ako nung last week kase aalis ako then nag iwan nalang ako ng milk na pinump ko then ang sabi kulang daw pero hayaan ko na daw busugin nalang nila sa tubig, wala akong nagawa kundi maiyak nalang sa kwarto bago umalis ? Okay nman sila pero pagdating lang talaga sa pagpapainom nila ng tubig sa baby ko ang kinakaayawan ko. Ngayon 3days ko ng hindi pinapainom kaso napansin nila na hindi ko na pinapainom kaya ang sabi saken painumin ko na daw 3days ng hindi nainom ng tubig si Baby. Ano po ba pwede kong ialibay para lang tigilan nila ang pagpapainom ng tubig sa baby ko ? Balak ko nga sa pagcheck up kay Baby tapos pag uwi sabihin ko sa kanila na bawal ang tubig kase hindi naaabsorb ng baby yung gatas ko. Hindi kase sila naniniwala na bawal sa baby ang tubig keme lang daw ng mga Doctor yun

64 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din inlaws ko. Pero i made sure kakampi ko ang pedia ko sa issue na yan. Like when i visit the pedia i always ask okay lang ba magwater si baby. Sempre marinig ni hubby sagot is no so mejo naiinfluence ko sya. Also, dahil constipated si baby ko sa first formula nya i was "reluctantly allowed" to give baby sips of water in between meals. Like mga 5oz lang. Sip lang talaga. Kasi ayaw natin mabusog si baby sa water to a point na wala na room for milk kapag mealtime na. Sana nakatulong.

Magbasa pa
5y ago

Issueng water palang yan. Dapat maging firm ka. Kasi if u let them have their way ipipilit nalang nila lagi gusto nila sa bata sa marami pang issues in d future. Basta asa tama ka be FIRM.