Induced Labor

Meet my Princess Name: Graehzia Elishivia EDD: Oct 2, 2020 DOB: Oct 1, 2020 3.2 kg Via normal delivery ❤️ Share ko lang po un birthstory ni baby tutal hilig ko talaga magbasa ng mga birthstory nun pregnant pa ko 😊 Long post story po ito. Bet ko mag kwento. Sorry na po. Hahahaha 😅✌️ September 23, Binigyan na ako ni OB ng admitting form dahil that time 3 to 4 cm na ako. Meaning anytime pwede na daw ako manganak. If ever di ako manganak agad, September 30 magpaadmit na daw ako, 8 in the morning. September 30 - punta na kami sa lying in. IE then stock pa din ako sa 4cm. Then nalaman nila na di pala ako nagtatake ng ferrous which is need daw un ng mga preggy mommy pero sabi ko 2 gamot lang ang nireseta sakin (before kasi sa hospital ang pre-natal checkups ko lumipat ako mga mag 8 months na tyan ko) then bago ako payagan ipaadmit need ko daw muna magpa laboratory ng CBC kase baka mamaya daw di ako payagan sa lying in manganak. Nag pakuha ako sa malapit na clinic then after 30mins, okay naman lahat ng result. 10.20 in the morning, kinabitan na ako ng dextrose kase for admit nako. May nauna sakin sa private room kaya no choice sa ward kami magstay. Every 4hrs nilalagyan ako ng buscopan ampules para sa cervix. 5:20 ng hapon don na nagstart sumakit un balakang ko ng very slight, tolerable pa naman un pain tapos puson naman un sumakit. Sabi ko sa sarili ko eto na siguro un, baka mag labor na ako. Exactly, 9:30 ng gabi don na nag simula ang 5mins interval na pain ung tipong mapapasquat, lakad at tuwad ka sa sakit. 10:30pm IE uli ako at boooom 8cm na pala ako non kaya pala iba na un sakit mapapainhale exhale ka talaga dahil gusto ko ikalma ang sarili ko non totoo un feeling na parang natatae ka na ewan. Pinaready na un gamit ni baby na susuutin sa delivery room at dun na ako pinag stay ng midwife. 11:13 pm sobrang sakit na talaga ng hilab napapakapit na ko sa bakal sa sobrang sakit dahil 3mins na lang un interval. Tanong na ako ng tanong sa midwife duty kung otw na ba si doc dahil ang sakit na kako talaga para gusto ko na makapanakit HAHAHAHAHA tapos sya chill na chill tiis lang daw ako dahil kayang kaya ko naman daw inhale exhale lang at wag daw ako iiri dahil baka humaba ang ulo ni baby hayaan ko daw na sya un kusang bumaba dahil kung lalabas na daw un, wala ng makakapigil. Sinunod ko advise nya at pag di nahilab nakakapag kwentuhan pa kami haha tas after 3mins nahilab na naman mapapatigil kami sa kwentuhan kase need kong mag inhale exhale (actually ang ingay ko dahil abot gang sa main door un boses ko haha ang sakit e bakit ba hahahahaha) Dumating na OB ko, mga 12.30 na ng madaling araw kase nagpaanak pa sya via CS sa ibang ospital hagardo verzosa sya pag dating. 3 iri na mahabaaaaaaa, baby's out at 12.42 am. Una kong nasabi talaga "THANK YOU LORD!" ❤️ thank you ako ng thank you pati sa kanila. Naka focus ako sa LO ko, at tama din sila na "worth all the pain" dahil habang tinatahi ako di ko na naramdaman. 😊 Pa welcome po sa baby ko ❤️#1stimemom #firstbaby #theasianparentph

Induced Labor
41 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Welcome baby and congrats sayo mommy.

VIP Member

Congratulations po mommy.💕😇

congrats 💗

Super Mum

Congratulations mommy! 💛

congratulations sis ❤️

congrats mamsh🥰❤🎉

Congrats po mommy.😇

Congrats po😇❤️

congrats welcome baby

VIP Member

Congratulations sis!