38 WEEKS AND 2 DAYS

Meet our Little Miracle? EDD: March 25, 2020 DOB: March 11, 2020 via Emergency CS 6.10lbs Girl Nagstart sumakit ang likod ko March 10 ng hapon hanggang sa hindi kuna kinaya nung gabi. 10pm pinadala na ako sa hospital dahil humihilab na rin ang tyan ko. Pagka IE sakin, close cervix and mataas pa si baby so pinauwi muna kame. Kauwi, around 11:30pm magdamag akong hindi nakatulog dahil sa sakit ng puson. Kinabukasan, may dugo na sa panty ko akala ko Mucus plug na at patuloy pa rin humihilab tyan ko. Around 9am, padame ng padame ang dugo na lumalabas. 11am, nagpacheck up na kay OB. Hindi na ako inIE dahil masyado raw malakas ang bleeding ko and kailangan na ma CS dahil close cervix and mataas pa rin si baby. Dineretso na ako agad sa hospital para i NST immonotor na ang movement ni baby. After ng NST agad agad naCS na ako. So ang findings, na emergency CS dahil sa heavy bleeding. May pumutok na pala na ugat sa loob dahil sa bigat ni baby and matubig tyan ko. Sa mga nagtatanong na baka hindi ako nag eexercise. I started to exercise, 35 weeks. Walking morning and afternoon and squats ng 30mins. Talagang, hindi lang maopen cervix and may pumutok na. So ayun, after all nang nangyare, we are still blessed!! Nauwi kuna ang napaka healthy and cute kong baby girl?? Thank you sa app na ito, dati nag babasa lang ako ng mga kwento ng nanganganak. Ngayon, ako na ang mag sshare ng experience ko. ? Breastfeed din po ako, the next day after ko maCS pinilit kuna sarili ko na puntahan si baby sa NICU para ipagbreastfeed. Ngayon, 4 days na sya and malakas na supply ng breast ko. So sa mga mommies na malapit na manganak, magpaka lakas kayo. Sundin si OB eat healthy foods! Kahit na ayaw natin maCS kailangan prepared ang katawan natin sa matinding sakit na pag dadaanan either CS or NORMAL. Mahirap pa rin! God bless po sainyo and thank you sa pag basa ?

38 WEEKS AND 2 DAYS
146 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Cuttie ❤❤ Congrats mommy ❤ I pray na makaraos na rin kami 😇 40 weeks and 2 days na ko and lahat na ginawa to open up my close cervix, last check up ko na tom please pray for me na sana open n po yung cervix ko pag di po kasi open possible n macs ako, which is ok lang din basta maging safe kmi pareho ni baby... Go sa mga Team March na still waiting parin. ❤❤❤💪

Magbasa pa
5y ago

March 25 po EDD ko.

Ako na emergency cs din ako dahil si bb nakakain na ng tae then naubusan na pala ako ng panubigan. Then feeling ko di ko rin kaya inormal si bb kasi 4430grams sya. 10 days din kami sa nicu non. Sa awa ng dyos 1 month na sya ngaun at ok na ok yung health nia.

5y ago

Wow mommy! Congrats po. Napaka strong mo and si baby mo🥰 salamat sa Diyos naka raos na tayo

Wow! Same experience tayo pero normal nga lang ako nanganak puyat na puyat din ako nong march 10 sobrang hirap mag labor lalo na kapag gabi March 11 nilabas ko din ang baby boy ko. Congrats saatin mommies.

Pretty pretty ni baby girl. Kinakabahan na ako, June naman po ang due date ko sana makaraos na din ako kahit medyo worried dahil sa pandemic. 😔 Congrats Mommy. ☺

5y ago

Praying for your safe delivery on June. Wag ka mag alala mommy hindi kayo papabayaan ni Lord. Keep safe and stay at home lang po. Wag ka po papastress❤🥰

Congrats po, ang cute ni baby👶 tama dapat malakas tayo at naka ready ano man ang type of delivery (normal man o cs) natin sknila.. godbless

Congratulations po, praised be to God at ikaw ay safe at ang baby mo po CS man o normal yun ang pinaka importante ang buhay mo at ni baby🙂

5y ago

Thank you so much po! Opo. Praise God!!!

Ok na sana e, biglang padame ng padame. Puta naman! Ayusin nyo nga padami ng padami yon. Obob sa spelling tagalog na nga tangina. Bobo

5y ago

panget ka

Congrats mumsh, sana ako din makaraos na 🙏🙏🙏 1 cm pa lang din ako pero tuloy tuloy walking, squats at pagkain ng pinya 😔

5y ago

Kausapin mo po si baby. In time, lalabas din yan. Congrats in advance po🥰🙏 paka lakas ka sa big day nyo ni baby❤

Ang ganda niya😍 Placenta previa totalis ako at natatakot ako baka ma CS ako since 1st time mom na rin. Sana kayanin ko😖

5y ago

Thank you po! Praying for your safe delivery🥰💗

Congrats! 💓 kelan LMP mo sis? march 26 kasi EDD ko, 3.4 na si baby di parin lumalabas 😞 no signs of labor parin