Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mom Of A Very Pretty Baby Girl
Newborn Essentials
Hi Mommies. Ask ko lang po kung anong magandang baby wipes, liquid baby bath, diaper and rash cream for a new born baby? Yung sa tingin po ninyong hiyang ang mga babies sa ganung brand. FTM here. Thanks po in advance. ☺
Panty
Hi Mommies question lang po. Masama po ba yung natutulog tayong preggy moms na naka panty lang habang malapit po sa electric fan? First time Mom 8 months na ang tummy ko this saturday. Pero may damit naman po ako. Naiinitan lang ako talaga so nasasanay na akong mag sleep sa gabi ng naka underwear lang po. Thanks po sa makakasagot.
Baby
Good morning Mommies ask ko lang kung may nakaka relate ba sa case ko dito. 7 months preggy. Minsan nararamdaman ko biglang titigas yung kanang part ng tummy ko tapos pag hihipuin ko parang andun si baby. First time mom here. Ganun po ba talaga? May oras na mararamdaman mo minsan kung saan siya pinaka naka pwesto? Bigla po kasing tumitigas yung right side ng tiyan ko. Di pa makapagpa check up ulit due to pandemic. ? Thanks po sa makakasagot.
Vitamins
Hi mga Mommies. Ask ko lang po kung anong brand name ng tini-take niyong calcium at iron? Nandito po kasi ako sa province. Wala na daw stock sa mercury drug ng calcidin at polymax na vitamins ko. I texted my OB yesterday then sabi po niya, kahit ano na lang daw pong brand muna ng calcium at iron basta may tini take lang daw ako. Ano po ang mga brand ng iron at calcium vitamins ninyo na readily available kahit sa mga botika lang po? Di rin makapunta ng Bayan, si Hubby lang ang may quarantine pass. ? Salamat po sa makakasagot.
Mommy Na Gutumin
Hi mga Mommies ask ko lang po. Normal ba yung nararamdaman ko na bumabalik yung pagiging gutumin ko ngayong 7 months na sa tummy ko si baby? The last time kasi na naging ganito ako ka gutumin was nung nasa 1st trimester pa lang ako e. Salamat po. ?
Baby Girl Names
Hi Mommies, hihingi lang sana ako ng idea kung meron kayong iba pang alam na baby girl name na pwedeng idugtong sa "Alexie". Gusto ko po sana na 2 names ang pangalan ng magiging baby girl ko e. Thanks po. ?
3D Ultrasound
Hi mga Mommies, ask ko lang po kung kelan ang best time na magpa 3D ultrasound for baby? Turning 7 months na po kasi si baby ko sa tummy ko next week. Thanks po sa makakasagot. ☺
Super Init
Hello mga Mommies question lang po. Masama po ba yung natutulog na tinatanggal ang damit? Ngayon po kasi na sobrang init na ng panahon tinatanggal ko talaga bra at damit ko pag natutulog ako at nagpapatong na lang ako ng kumot hanggang sa tummy ko. 24 weeks and 3 days preggy here. Salamat po sa makakasagot.
Medyo Worried
Hi mga Mommies question lang po. Normal lang ba na hindi mo nafe feel minsan ang kick or paggalaw ni baby sa tummy? 21 weeks and 4 days preggy na ako. Huli ko kasi siyang na-feel, kahapon pa ng hapon. Hindi lang ako sanay na di ko siya nararamdaman, parang nagwo worry lang ako. Sumakit lang ang ulo ko kahapon pero di naman din nagtagal. Ngayon, wala naman akong masamang nararamdaman, as in normal lang naman ang feeling ko kagabi and today. Salamat po makakasagot. ☺
Scared Mom Here
Mga Moms ano po gagawin ko? Nagising ako kanina 3:05 AM kasi may naiyak na pusa sa pinto namin. Nasa site pa ang partner ko sa mga oras na to, 3:53 AM. Then ngayon lang, umiingay naman yung bubong namin. Kanina pa ako nagpi pray naiiyak lang ako sa takot at kaba. Ano pong ibig sabihin nito? Salamat po sa makaka sagot sakin. ???