6816 responses

Actually, classmate ko siya nung elementary, tapos same school din kami nung highschool pati college. Pero never kami nagkaroon ng pagkakataon mag-usap or magkatama ng landas. Haha. Kasi ako yung wallflower ng klase at siya naman ang class clown. Pero sobrang matalino siya kahit medyo maloko siya. Hanggang sa napunta na ko ng Europe, nakauwi at nakabalik ulit. One time, in-add niya ko sa Facebook. Pero mga ilang months pa bago siya nag-message. Nagsimula lang sa "Musta klasmeyt?". Hanggang sa umaabot na kami ng madaling araw mag-chat. At dun na nagsimula ang lahat. Umuwi ako ng Pinas para magkita kami. At yun, pagbalik ko ng Europe, after one month, may nabuo na. Hahaha. Ganun kabilis. Tapos nung 5months na ang tiyan ko, nag-decide na ko na umuwi para makasama siya. Nung kabuwanan ko na, kinasal kami kahit civil lang. Awa ni Lord, halos 9 years na kaming kasal at may dalawang anak na. Babae ang panganay at lalaki naman ang bunso.
Magbasa pa



