Nakaraos na!

Meet my baby Emmanuelle Immanuel means "God is with us" EDD: April 23, 2021 DOB: April 19, 2021 Via Cs 4.1 kgs Akala ko kaya inormal, pero di na ako nagtake ng risk. Malapit na kasi maubos water ni baby at malaki sya. Share ko lang mga mommy, marami ako nakasabay na CS sa hosp na nagtry sila inormal pero nauwi din sa CS. at worst nagkaroon ng complication, yung isa kong kasabayan nainormal nya pero after nun, dinugo sya ng dinugo hanggang nagdecide OB nya na tanggalin yun matres nya kasi 50/50 na sya, mauubusan na ng blood sinalinan pa sya ng dugo. Di ko alam proper term sa procedure na ginawa, or nangyari. Pero based sa kwento nya, nakakatakot specially buhay ang kapalit. Yung iba naman pinagantibiotics ang baby, kasi nakakain na ng poop. Kaya mga mommy kapag sinabi ng ob na CS, follow nalang po natin. For our safety na din, yung gastos sa CS kaya pa kitain ulit pero yung buhay natin nagiisa lang. Thank you Lord! Sarap sa feeling nahawakan ko na yung pinagpapray ko sa mahabang panahon, for 9months na kinulit kita. Ito na yun. Ang sarap sa feeling kasama ko na si baby. 🥰 #1stimemom #firstbaby

Nakaraos na!
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

congrats! 💙❤

Post reply image