Meet my baby boy
Name: JAYCE ANNELY, CACDAC. SALVACION
Nickname: Ace
EDD: April 17, 2020
DOB: April 17, 2020
2.6kgs via normal delivery
Supposedly, sa MakatiMed ako dapat manganganak, but because of this intense pandemic. Natakot ako sa hospital manganak. I decided sa Lying in nalang. Pero wala ako mahanap na mas malapit samin. May nag recommend sakin sa dulo ng pasay. Buti nalang wala masyadong tao dun sa private lying in. April 15, nagpacheck up na ako doon. At niresetahan ng Primrose.
April 16 pa lang, may lumalabas na sakin na mucus plug na jelly like. Pero di naman ako nakakaramdam ng contractions. Nakapag grocery pa nga ako eh. April 17 nag decide ako magpa BPS ultrasound. Okay naman lahat. Then pumunta na kami sa lying in para magpacheck up. Sinasabi ng midwife hindi ko pa daw due date base dun sa ultrasound sa May 25 pa daw. Sabi ko my first 3 months na ultrasound is EDD ko is April 17. So they decided na mag IE. Pag check nila 4cm na ako. So wala ng paligoy ligoy pa. Admit na agad. Pero umuwi pa ako nun. Kasi bigla ako kinabahan. Hahahaha
4pm bumalik na kami, kasama na si mama. Pag IE sakin 4cm pa rin, sinalpakan ako ng primrose sa pwerta tapos injan seat lang. Around 5pm 5cm na ko. Easy easy pa lang sakin, nakakapag phone pa ko. Tolerable pa yung sakit. Pagdating ng 6pm doon nag start pinaka labor ko, ramdam na ramdam ko na yung sakit. 6cm na ko, parang every hour nadadagdagan siya. Estimated time of delivery ko is 10pm or 11pm. Quarter to 8, 8cm to 9cm na ko. Need pa dapat mag 10cm. Sobrang sakit na, sumisigaw na ko sa sakit. 8pm gusto ko na siya iire, di ko napigilan napaire ako ng isang beses at may tumulo sakin, panubigan ko na ata yun. Kaya tinawag na yung midwife pag check niya sakin 9cm na, tuluyan na niya pinutok yung panubigan ko. Nakapag lakad pa ko papunta sa delivery room. Paghiga ko, hindi pa ready yung midwife umire na ko dahil sa sobrang sakit. Tatlong malaks na ire. Nawarak yung pwerta ko. Nagkapunit punit. Hindi na rin ako naturukan ng pangpahilab, kahit nung tinahi na ko. Napapasigaw pa rin ako sa sakit habang tinatahi ako. 8:30pm lumabas na si baby ?? to be exact ng hours of labor talaga 3 hours lang. 3 hours niya lang ako pinahirapan. Thank you my little one. Mommy and daddy loves you so much! ?❤️
Sobrang sakit manganak pero worth it lahat! ?
MARY ROSE ETAC