thanks Lord..finally nakaraos din..

Baby Eurie Baby girl 40 weeks and 3 days EDD: April 13, 2020 DOB: April 17, 2020 12:40 a.m. 2.8 kg Via NSD Prelabor rupture of membrane 10 hours labor pain Share lng po ng experience ko: Ang naexperience ko nung nanganak ako..40 weeks and 4 days.. 3:30 am sumakit puson ko till one hour then nung umihi ako may lumabas na dugo na parang sipon sabi ko ky hubby baka manganganak na ako Kaya prepare na gamit punta lying in.. Unexpectecly.. 7:00 am May parang liquid na lumabas sa Akin yun pala panubigan kaya naligo ako at pumunta kami agad sa lying in.. Pag ie sa Akin 1 cm Pa lang kaya uwi muna daw kami.. Pero habang pauwi palang kami patuloy Pa po pagleak ng water bag ko kaya sabi ko wag n tayo uwi balik tayo lying in.. Pero pumunta kami rhu ng barangay namin pgdating doon ie ulit.. 2cm palang at sabi baka emergency cs na daw kaya binigyan n kami ng referral para sa hospital n ako manganak.. Kaya tumawag cla ng ambulance ng munisipyo para ihatid kami sa hospital na 3 towns ang pagitan since kasagsagan ng ecq.. Then pgdating sa hospital 11:30 am konting interview tapos ie ulit ng midwife 2 cm parin pero sabi nya pwede ko daw I normal kahit posterior placenta ako.. 12:00 ng tanghali admit n ako.. Dextrose tapos may tinurok na antibiotic tapos pagdating ni hubby pakakainin n sana ako kaya lng pinigilan xa ng isang nurse kaya ihinatid n ko ng emergency room.. Pgdating ng er 1:10 pm turok ulit sa dextrose that time pampahilab na I think 2 shots un.. At siniksikan ng 4 pcs ng eveprim ng midwife at sabay monitor ng heart beat ni baby.. After few minutes start ng labor pain.. Every hour ie ngproprogress ng 1 cm per hour till 5:10 pm.. Doon ngstart ung unbearable pain and contractions halos sabunutan ko sarili ko sa sakit.. Until 11:30 fully dilated na.. Pinaglakad lakad Pa ako 11:45 sa Delivery room lakad ulit tapos pinahiga na ako at pinaire na nakailang push ako and 12:40 am baby out..sa kabutihang palad di ako nahiwaan or natahian.. kahit first time ko nanganak..

thanks Lord..finally nakaraos din..
56 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

momsh hndi ba naninikip mga muscle ng binti at hita mo dati ? kasi ako po 8 mos na tiyan ko . May 8 2021 po due date ko . etong nakaraang linggo nag umpisa pong nanikip mga muscle ng paa ako hanggang sa nahihirapan ko na po ilakad mga paa ko kasi hirap ko po iangat binti ko kung hndi ko po sya aalalayan gamit ng kamay ko . tinanung ko po sa midwife na na nagchecheck up po sa amin kunh normal lng po sabi nya hndi raw kaya kinakabahan po ako ๐Ÿ˜ญ

Magbasa pa
4y ago

mamsh nanganak kna po b..

Congarts momshie... And welcome to the world baby... Stay safe and healthy both of you ๐Ÿค—โฃ๏ธ

congratulations mommy, ang cute ng baby mo po! sana kami rin team May! maka raos na din! a

sana ako din manormal kasi parang big deal sa mga taong nakapaligid saken pag nacs ako

Salamat po mga momshies.. God bless din po sa inyong lahat.. ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜Š

sana ako din normal delivery ๐Ÿ˜ซ๐Ÿ™๐Ÿป at maging okay ang lahat!!

Congratulations mommy ๐Ÿ’• ang tagal din ng labor pain mo momsh

Congrats momsh. God bless po๐Ÿ˜‡๐Ÿ™๐Ÿ’

10hours labor? Grabe ang tagal

Hello baby๐Ÿ˜˜ congrats momshโค๏ธ