Prenatal Check-up
Medyo mahaba tong post. Quick backstory, June 2019 nakunan ako 7 weeks sya nun. Fortunately, di na nag.need ng raspa kasi nalabas naman daw lahat sabi ni OB. Prior pa nito nag.start talaga akong magpa.check up sa OB nung naging irregular yung menstruation ko and naging okay sya eventually. Until naging regular na visit ko sa kanya. Forward to now, currently nasa 28 weeks na ako and since naramdaman kong sure na buntis ako nung 8 weeks ko. That time na.transvaginal ultrasound, confirmed, and kita ko talaga yung heartbeat. So far okay naman kami ni baby. So here it is, nung 20th week ni.require na ni OB na mag.antitetanus 1 & 2 and meron daw sa health center. Para na rin maka.less kami sa vaccine. Pero nag.open up talaga ako na kung pwede bang sa health center nlang ako mag.continue ng prenatal check up ko pero sabi nya ok lang naman daw basta kung may mangyayaring complication or problema i.make sure na ma.address agad nila. So ako naman mas inisip kong kahit malayo kami sa clinic kasi sa bukid kami nakatira tinitiis namin ng husband ko para lang ok ang aming baby. Yun bang kahit malayo yung byahe namin and madaling araw alis na kami sa amin para lang maka.uwi kami ng hapon specially nung nalaman ko sa ultrasound na okay yung development nasabi kong worth it lahat ng pagsasakripisyo namin. Gusto ko lang i.open up yung tungkol sa mga comments sa amin dito kasi nasa place ako ng husband ko. Yun bang sinasabi nilang bakit doon pa sa city ako magpa.prenatal? May health center naman. Pinaparamdam nila sa tanong nilang nag.iinarte ako. Aside sa husband ko wala talaga akong nasabihan sa bagay na to. Maliit mang bagay para sa iba para sakin bakit pa may ganito pang mga tanong2x. Di naman kami nang.hingi ng pambayad sa kanila. Di lang nila alam yung first kong nawala kaya ganun nlang ako ka.concern sa baby ko ngayon. Please wag nyo akong i.judge na wala akong tiwala sa health center. By the way, once a month lang kung mag.punta dito sa amin yung midwife. Feel free to leave your comment. Wag po sana yung harsh. Salamat po.