I Didn't Know I Was Pregnant.
Medyo mahaba po, share ko lang at may questions din po ako sa dulo. 2016 nadetect na pre-diabetic na ako at may pcos na rin. Sobrang irregular ng period ko na ung pinakamatagal june2017-January2018 na hindi ako nagkaron. Until one day nakita kong nakakapagpa regulate ng hormones ang GLUTATHIONE so nagstart ko syang itake November2017-January2018 hanggang nagkaroon na ako uli at naging regular na period ko. February2018 we're having almost everyday lovemaking trying to conceive hanggang lumipas mga months nagkakaperiod pa rin ako. Hanggang tumigil uli period ko ng September2018 at di na naman bumalik. Nawalan na kami ng pag-asa kasi negative PT ko nung November2018 at December2018.. Umuwi muna ako sa pinas ng april2019 to relax kasi baka sobrang stressed out ako sa work.. 1 week before ako umuwi, naramdaman kong may pumipitik sa tyan ko. Akala ko sumasabog na ovaries ko ?? so I've decided to make an appointment sa hospital may10,2019 medyo nalate kasi natatakot ako na baka may sakit ako. Sinabi kong may pcos ako kaya transV ang ginawang ultrasound sakin. Sobrang kabado ako kasi baka cancer na ? ayun na nga, humiga na ako at chineck muna ng nurse initial. Convo: Nurse: ma'am, malaki na po ito. Me: what? May bato ba? Cancer? Mamamatay ba ako? Nurse: relax ma'am. Hindi at wala po. Me: eh ano ung malaki? Tyan ko? Alam ko na un kasi mataba talaga ako hehe Nurse: ma'am yung malaki po ay ung baby nyo. Magrequest lang po ako ng tamang ultrasound nyo. Umalis si nurse at eto ung nakaPause sa monitor. I'm shocked and worried kasi 33weeks na si baby nung malaman ko, maliit daw sya at medyo mataas ng konti amniotic fluid. Walang signs ng pregnancy bukod sa naging antukin ako at naging matakaw. Questions: 1. May naka experience na po ng ganito? And how's your baby paglabas? 2. Pcos and Gestational diabetes, Normal or CS po kayo? 3. Regarding Vitamins, is it too late? 33weeks na ako nakapag start now im 38weeks. 4. Possible ba sa autism or any complications si baby? Eyes, nose, lips, arms, legs, brain Appears Normal naman po lahat. Pero natatakot pa rin ako kasi Coffee ako halos everyday, fast food, had beer twice, smoked 15sticks, Panadol Extra, Cough syrup, flu medication, na food poison din ako nung feb2019. Asking for your prayers na rin po. I'll be praying for you too β€οΈ
Im using my husband's email.