I Didn't Know I Was Pregnant.

Medyo mahaba po, share ko lang at may questions din po ako sa dulo. 2016 nadetect na pre-diabetic na ako at may pcos na rin. Sobrang irregular ng period ko na ung pinakamatagal june2017-January2018 na hindi ako nagkaron. Until one day nakita kong nakakapagpa regulate ng hormones ang GLUTATHIONE so nagstart ko syang itake November2017-January2018 hanggang nagkaroon na ako uli at naging regular na period ko. February2018 we're having almost everyday lovemaking trying to conceive hanggang lumipas mga months nagkakaperiod pa rin ako. Hanggang tumigil uli period ko ng September2018 at di na naman bumalik. Nawalan na kami ng pag-asa kasi negative PT ko nung November2018 at December2018.. Umuwi muna ako sa pinas ng april2019 to relax kasi baka sobrang stressed out ako sa work.. 1 week before ako umuwi, naramdaman kong may pumipitik sa tyan ko. Akala ko sumasabog na ovaries ko ?? so I've decided to make an appointment sa hospital may10,2019 medyo nalate kasi natatakot ako na baka may sakit ako. Sinabi kong may pcos ako kaya transV ang ginawang ultrasound sakin. Sobrang kabado ako kasi baka cancer na ? ayun na nga, humiga na ako at chineck muna ng nurse initial. Convo: Nurse: ma'am, malaki na po ito. Me: what? May bato ba? Cancer? Mamamatay ba ako? Nurse: relax ma'am. Hindi at wala po. Me: eh ano ung malaki? Tyan ko? Alam ko na un kasi mataba talaga ako hehe Nurse: ma'am yung malaki po ay ung baby nyo. Magrequest lang po ako ng tamang ultrasound nyo. Umalis si nurse at eto ung nakaPause sa monitor. I'm shocked and worried kasi 33weeks na si baby nung malaman ko, maliit daw sya at medyo mataas ng konti amniotic fluid. Walang signs ng pregnancy bukod sa naging antukin ako at naging matakaw. Questions: 1. May naka experience na po ng ganito? And how's your baby paglabas? 2. Pcos and Gestational diabetes, Normal or CS po kayo? 3. Regarding Vitamins, is it too late? 33weeks na ako nakapag start now im 38weeks. 4. Possible ba sa autism or any complications si baby? Eyes, nose, lips, arms, legs, brain Appears Normal naman po lahat. Pero natatakot pa rin ako kasi Coffee ako halos everyday, fast food, had beer twice, smoked 15sticks, Panadol Extra, Cough syrup, flu medication, na food poison din ako nung feb2019. Asking for your prayers na rin po. I'll be praying for you too ❤️

I Didn't Know I Was Pregnant.
34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Just have Faith, magiging maayos din po si baby and pray lang po. Mag ipon ka po ng maraming lakas, kakailanganin yan pag nanganak ka na at sa pag aalaga kay baby. Everything will be fine, I'll be praying for you too.

nakakatakot mamshh... 33 weeks bago mo nalaman... kung wla nman nging bleeding bka normal lng.. tska sa ultrasound naman makikita kung may birth defects. ung congenital anomaly scan. better to talk to your ob immediately na.

5y ago

cge po mamsh. ... kaya yan dahil cooperative naman c baby

Same situation sis, pero ako 24 weeks na si baby nung nalaman kong buntis ako. Kaya hindi din mawala sa utak ko kung normal ba syang lalabas and healthy ba sya. Basta sis, prag lang tayo. ☺️

VIP Member

ill be praying for you and your baby sis. mahirap kasi nakakaparanoid yung case mo. hindi mo kasi nagawa ung mga dapat nagawa natin habang buntis. but its never too late to pray... tiwala lang and pray!

wow. makapit po si baby niyo.napaka strong niya. tiwala lang mamsh. healthy yan si baby mo. basta pray kalang lagi na wala sanang problema sa kanya. gang sa makalabas siya.congrats po.

5y ago

Kaya nga po. Tapos imagine araw araw 12hours ang work ko plus travel hours ko pa.. Sobrang natagtag po talaga ako pero strong ng kapit ni baby. Complications na lang po tlaga worries ko

VIP Member

Just calm yourself na lang momshie tapos. Sundin mo na lang guidelines ni OB-gyne para naman ma-solusyonan pa ang mga bagay-bagay sa inyong dalawa ni baby.

Bakit po nung nag pt kayo ng nov and dec negative e preggy na po ata kayo nun? 😯 Saka 33 weeks momsh hindi ba malaki na tiyan mo nun? 😯 curious lang po.

5y ago

Mukang busog lang po ako nung time na un. Akala namin tumaba lang ako kasi nga po kain ako ng kain. Pero pagkatapos na malaman namin buntis ako, bigla po lumaki tyan ko.. Sabi din nung unang ultrasound ko, medyo maliit din daw si baby.

VIP Member

Praying for you Momsh. :( Jusko kame nga di lang makainum ng ilang araw na gamut para sa baby namen paranoid na kame. Ano nalang kaya pakiramdam mo. Huhu :(

5y ago

True,kagabi nakalimutan ko ung vitamins kaninang 4am ininom ko pa rin tapos guilty guilty ako inis na inis ako na nakalimutan ko 😕

wth?! nkklokang pangyayare!! i salute sa tapang ni baby. kaya niu yan mamsh. dibale malakas kay lord yan at healthy yan i believe so.

Pray lang po mommy,binigay sayo yan ni Lord kaya surely normal at healthy po sya,have a safe delivery po,Godbless you and your baby