May tampo ako sa mga in laws ko . Esp sa MIL ko. Nung preggy kasi ako kay baby, andami bawal, e ung mga binabawal pa nya e ung mga pinaglilihian ko. Then she's insisting na dun ako manganak sa province nla kasi daw di ganun ka- cosy, i tried. But I can't change the fact na mas gusto ko manganak malapit sa nanay ko. Para may nanay na mag aasikaso sakin. So nasunod yung gusto ko. Nung manganganak na ko. I tell them the date kasi CS naman ako. After ko manganak i was expecting na bibisita cla. Kasi first apo nla un sa unico ijo nla. Pero wala. Hanggang sa nakauwi na ko ng bahay. Nagpa general cleaning pa ko para pag bumisita cla maayos ang bahay. wla pa dn. Grabe tampo ko nun. Pero initindi ko. I post a lot of pictures and video ng baby ko everyday. Pero ni isang like wla ako natatanggap sa knla. Pero I always saw na pag post nung cousin nla na bagong panganak dn, like agad. Para bang wala silang interest sa anak ko. Komo maliit kasi anak ko nun at payat. Walang support, walang hi, hello, kamusta man lang. Tapos ngayong 1 yr old na anak ko na mataba, matangkad at bibo. Gustung gusto nla hiramin sakin. I always refuse. OVER MY DEAD BODY TALAGA. Ayokong ipahiram anak ko sa kanila. Kasi parang I cant feel them nung nasa infant stage pa lang baby ko. Tapos ngayon, sagana sila sa I LOVE YOU . But i dont believe them. Coz i cant feel that in the first place. If you're in my case, would you feel the same way too?

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi. I hope everything is well with your hubby and baby. I think you should already let go of your tampo. Matatanda na mga in laws mo? Matampuhin din sila tulad mo at lalo na may edad na sila. Unti untiin mo lang na magpalamig kasi wether you like it or not buong buhay mo in laws mo pa rin sila at dun nanggaling ang asawa mo. Gawin mo na lang sis is to create guidelines on how and when they can only have time to your baby. Hindi maganda na lumalaki ang anak mo na nakikita nya na may conflict between you and his/her grannies. Sis kaya mo yan, I know you are understanding and good person. Isipin mo na kelangan na mas malawak ang pang unawa mo dahil may edad na sila at kelangan unawain. God bless.

Magbasa pa