Depress ?

Hello po mga moms...gus2 ko lng po humingi ng advice. Naiinis po kasi ako sa sarili ko, ung ate kasi ng hubby ko e kasabayan kung nagbuntis, di ko po maiwasang i compare yung sarili ko sa kanya kasi feeling ko kawawa yung baby ko kasi ako ung magiging nanay nya..ung bayaw ko po kasi may magandang trabaho, mayaman din ung napangasawa, kaya lahat ng need ng baby nla maibibigay nla..sa st. Lukes pa po xa manganganak samantalang ako mahirap na nga maselan pa magbuntis, nag resign ako sa work ko at nkaasa lang sa hubby ko na minimum wager lang..sa center lang po ako manganganak pra makatipid kmi. Alam kung mali na i compare ko ung sarili ko sa kanya kaso d ko maiwasan lalo pag nakikita ko ung mga post nya na nakakakain xa ng maayos, nabibili nla ng magagarang gamit ung baby nla, nakakaramdam ako ng inggit..at minsan nkakatampo rin kasi kino-compare dn kmi ng MIL ko..8 months preggy na po ako ngayon pero kulang pa rin yung mga gamit ni baby... masipag nmn ang asawa ko pro sapat lng talaga yung kinikita nya..anu po kaya ang pwd kung gawin pra mawala itong nararamdaman ko?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

iwasan mo muna gumamit ng social media account momsh. then focus ka lang kay baby. kung ano po kasing nararamdaman mo, nararamdaman din ni baby

6y ago

Thank u po sa advice moms..😊