May tampo ako sa mga in laws ko . Esp sa MIL ko. Nung preggy kasi ako kay baby, andami bawal, e ung mga binabawal pa nya e ung mga pinaglilihian ko. Then she's insisting na dun ako manganak sa province nla kasi daw di ganun ka- cosy, i tried. But I can't change the fact na mas gusto ko manganak malapit sa nanay ko. Para may nanay na mag aasikaso sakin. So nasunod yung gusto ko. Nung manganganak na ko. I tell them the date kasi CS naman ako. After ko manganak i was expecting na bibisita cla. Kasi first apo nla un sa unico ijo nla. Pero wala. Hanggang sa nakauwi na ko ng bahay. Nagpa general cleaning pa ko para pag bumisita cla maayos ang bahay. wla pa dn. Grabe tampo ko nun. Pero initindi ko. I post a lot of pictures and video ng baby ko everyday. Pero ni isang like wla ako natatanggap sa knla. Pero I always saw na pag post nung cousin nla na bagong panganak dn, like agad. Para bang wala silang interest sa anak ko. Komo maliit kasi anak ko nun at payat. Walang support, walang hi, hello, kamusta man lang. Tapos ngayong 1 yr old na anak ko na mataba, matangkad at bibo. Gustung gusto nla hiramin sakin. I always refuse. OVER MY DEAD BODY TALAGA. Ayokong ipahiram anak ko sa kanila. Kasi parang I cant feel them nung nasa infant stage pa lang baby ko. Tapos ngayon, sagana sila sa I LOVE YOU . But i dont believe them. Coz i cant feel that in the first place. If you're in my case, would you feel the same way too?

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

we're on the same boat mommy. pero buti ka nga, at least gusto nilang maging involve sa baby mo. ako, simula nung nabuntis ako, wala kaming narinig mula sa family ng partner ko. my baby came as a surprise. buti nalang di ako pinabayaan ng partner ko and ng mga kamag-anak ko. nag-critical condition yung baby ko pagkapanganak. 50-50. halos 10 days siya sa ICU first couple of days of her life, makina nagpapahinga sa kaniya. wala man lang dumalaw from his side. ni wala man lang nangamusta sa txt or ni fb man lang di nila kinamusta yung baby ko. pati mga tita ko masama loob sa kanila. parang wala kasi sila pakialam. pero i tried to understand them. kahit mahirap. i know. then come nung bininyagan yung baby ko, walang pumunta sa kanila. again, i tried to understand. sa malayong province p sila mangagaling eh. then nung first birthday nya, pumunta na sila. takot na takot baby ko sa kanila. kasi nga naman hindi sila kilala. try to be thankful mommy. malay mo its their way para bumawi sa inyo ni baby. just show respect. kahit mahirap. :D

Magbasa pa

Nakakatampo nga yun sis. Na-confirm mo ba sa kanila yung main reason nuon kung bakit talaga sila hindi nakakadalaw sa baby mo? Baka naman may problem lang din sila at their side. Kung okay naman yung pakikitungo nila sayo ngayon, try mo nalang na unawain. Kasi may kasabihan nga na ang taong okay ang relationship sa in-laws, mas lalong pinagpapala. :) Kumbaga, past is past na. For me yun sis ha :)

Magbasa pa

I'm sorry to hear what you've experienced with your inlaws. Ano ang sabi ng husband mo? If you are not comfortable na ipahiram si baby sa kanila, tell them (or ask your husband to tell them) na sila nalang magvisit sa inyo. And while nakakatampo naman talaga yung nangyari, let go of the past nalang. If gusto nila bumawi now, let them pero let them also know/follow your rules.

Magbasa pa

Kulang kwento mo, pagkatapos mong manganak 1 year old na agad at gusto na nilang hiramin. Wala ka ring kwento ano sabi ng tatay ng bata. May problema ka rin kasi, di ka nanghihingi ng opinyon iba, nagkukuwento ka lang at gusto mo ng dadamay sa iyo. Mahirap yan.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-17305)