May favoritism ba kayo sa mga anak nyo?

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wala. Naranasan ko na magkaroon ng favoritism sa mga kapatid like yung eldest kong kapatid favorite pamangkin, favorite apo, favorite anak. So pinangako ko sa kids ko na same treatment sila habang lumalaki. Mahirap kasi na makita nila na may favorite kaming mag asawa. Mawawala confidence ng bata at the same time, magdadamdam yan.

Magbasa pa

I don't think favorite, mas favorable siguro. Like my daughters kasi 8 and 2, so super alalay ako kay 2 kesa kay 8 kasi na kakaintindi na si 8 and alam na nya what is wrong and right. Good thing napaka sweet and independent din ni 8. Kahit lagi cya Inaaway nung 2. Hindi nya pinaoatulan kasi I explain ko na baby pa kasi si 2. :)

Magbasa pa
TapFluencer

Tingin ko hindi favoritism. In my case, I have two girls (7yo & 1yo). Mas madami akong atensyon sa youngest ko kasi mas need nya yun since baby pa sya. Ineexplain ko nalang sa eldest ko na mas kailangan ni baby yun at sya marunong na dahil malaki na. They're both mine so I love them equally.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-30097)

Mas mahirap bigyan ng mas madaming pansin ang panganay kapag andyan na ang kasunod. Buto na lang yung mga asawa natin ay andyan para sila yung madalas ilabas yung mga panganay para mag hang out at pumasyal.

sken kasi wala ako favoritism..khit mgkapatid cla may iba2 parin cla personality at may iba2 paraan sa pg aaruga kagaya sken na isang 7 year old at 12 year old..pareho ko sila mahal ❤😊

Hindi ko sure ang sagot kasi 1 pa lang ang anak ko. Pero sa mga mommy friends ko napapansin ko na may favoritism sila kahit nila aminin. Mas pinagbibigyan tlaga ang mas bunso na anak

hindi ko napapansin pero ang sinasabi ng sister in law ko mas pinapaburan ko daw yung panganay ko.Pero para sa akin parehas lang tingin ko sa kanila

Honestly, my heart says wala pantay pantay lahat. In reality, mas napapaburan ko ung girl ko na anak kesa sa kuya nya

Wala dapat. Kung anong meron yung isa dapat meron din yung isa.