Tanong lang po
Masaya ka ba sa husband mo? At paano ka nya napapasaya?
Masayang masaya, kasi unlike sa mga ex ko non pag nagdadrama ko nagrarant or umiiyak ng di ko maintindihan. Bigla ko nalulungkot sasabihan ako ng madrama, ang arte... Nakakairita or kaya walang pakielam sakin. Ngayon sa Hubby ko binibigyan nya ko ng assurance pag nagsabi ako di ko mafeel na mahal pa nya ko na parang mas gusto nya umalis ng bahay kesa makasama ko, pag niyaya kasi ng kaibigan laging oo or pag di ko pinayagan sa lakad nya nagtatampo sya minsan umiiyak sya, I felt so bad kahit alam kong tama ako kasi minsan may pasok pa sya gabi na or madalas need ko help nya yun na lang time makakasama ko sya wala pa sya. Inexplain naman nya sakin sabi nya nanibago lang sya kasi sanay sya kahit noong magjowa pa lang kame hinahayaan ko sya sa decisions nya pero ngayon iba na kasi, nagsorry sya sakin at di naman daw ibig sabihin di na nya ko mahal na cold sya sakin. Magbabago na daw sya kasi na realize nya pagkakamali nya dahil magkakaanak na kami π Di nya pinafeel sakin na ang drama ko lang or overthinker ako instead na comfort ako at nabigyan ng assurance π sana lahat ganon magisip na naisheshare mo sa hubby mo yung naiisip at nafifeel mo ng hindi sya na dadramahan or naiirita sayo π
Magbasa paVery happy. He is a very loving husband to me and father to our children. He works hard to provide for our needs and sa mga future plans namin. Never nya pinaramdam sakin na burden ako, always supportive sa pagiging SAHM ko. Kapag andito cya kahit pagod cya eh inaalagaan nya mga bata and tumutulong sa mga gawaing bahay. He always makes me feel Im loved. Never complain that I gained weight or the fact na hindi na makinis ang balat ko. Im always thankful dahil cya napangasawa koπ
Magbasa paOo naman.. kahit mga maliliit lang na effort nya sobrang napapasaya na ako. Tulad ng gigising ng umaga para paglutuan ako ng almusal, siya naglalaba ng mga damit namin kahit nung d pa ako buntis, namamalengke ng madaling araw, hatid sundo sa work ko, minsan pag dadating siya ng bahay may dalang pasalubong na fries o kaya icecream kahit alam nyang bawal sa buntis eh alam nyang matutuwa naman ako kaya bibili parin. π
Magbasa paYes!!! Masaya naman.. malakas mang asar, isip bata pero pag napikon na ko okya naiiyak na ko sa pang iinis nya ayun tatayo tapos sasayawan ako mala Dante Gulapa.. Masaya kasi mahal nya ko at c baby, di nya ko pinapabayaan at di nya kami tinalikuran, di nya ko inisstress. Masaya ako at maswerte kumpara sa iba na iniwan ng bf o nagloloko ung bf.. masaya ako at kuntento na sakanya.
Magbasa paSobrang saya po. :) he's a good man and a great father. May 8yo daughter po kami ang im currently 11weeks pregnant. He makes me happy po kahit sa mga simple gestures lang. At super supportive sya at maalaga. Sya naglalaba, nag peprepare kay daughter for school. Nag luluto minsan. Hehehe. Medyo maselan po kasi ang pagbubuntis ko ngayon kaya di masyado maka kilos.
Magbasa payes, sobrang responsible person ng husband ko, lalo n ngaun n bawal ako kumilos tska wala ko sahodπ, cia lahat kumikilos d2 s bahay, minsan naaawa n ko kc gising cia ng 5:30 pra asikasuhin anak nmin n ppasok s school tpos prepare ng foods s amin, then magwork cia atleast 9 hrs a day (homebased), matutulog cia ng 11pm, kya lage ako nagtthank you s knyaπ
Magbasa paYes! Very family oriented. Makikita kung gano karesponsible. Kahit magkakaanak na kami tumutulong prn sa magulang. And never naging issue samin. Kasi ganon din ako sa parents ko. Saka lagi ako inaasikaso. Kahit tulog sya, kapag need ko tumayo, gigising sya para tulungan ako since hirap na ako with my pregnancy. Sobrang blessed. Jackpot sa lotto. Hahahaha.
Magbasa paYeap. happily married for 9 years now. π May away, problems at flaws pero okay lang impt naggrow kami dahil sa mga yun. Nag ggrow close together. ππ Pero seriously siguro ginagawa lang talaga namin ang lahat to adjust and sometimes may isang nag gigive way para mag stay kami together. I really wish/want to grow old with my husband. π π
Magbasa paYES !!! Hindi ko din alam basta masaya ako π super thankful ako na binigay siya ni Lord sakin, silang dalawa ng future baby girl namin. Ang problema lagi naman ka dikit ng buhay kaya laban lang lagi. Ang pinakakinakatuwa ko sa kanya, he changed. He change for the better, para samin ni baby π kusa niyang ginawa kahit di ko hiningi ππ
Magbasa pasuper masaya π pareho kame ng hilig, inaalagaan kame at hindi pinapabayaan, supportive at super malambing. parang jackpot lang sa lotto e dhl wala na syang bisyo at mas lalong walang pake sa mga ibang babae ππ€£ kontento na sya na dto lang sa bahay at magbasa ng novel nya sa phone or maglaro ng computer games kapag off nya.
Magbasa pa
Excited to become a mum