MASAYA AKO.

Kahit hindi man tayo nagkatuluyan. Masaya ako dahil binigyan mo ako ng isang anghel na gagabay at magiging dahilan kung bakit ako nabubuhay. Masaya ako, na kahit hindi ka niya kasama palage alam ko nandyan ka lang. Alam ko responsable ka bilang ama. Sana hanggang sa pag laki niya, Kahit hindi na para sa akin. Para na lang sa anak natin. Ganon ko siya kamahal, Ayoko bigyan siya ng dahilan para kamuhian ka o magkaruon ng galit sa puso niya. Kahit hindi mo ako mahal, Sapat na sa akin yung mahal mo siya at nandyan ka lang hanggang sa pag laki niya. Mag mahal man ako ng iba balang araw, Mas mamahalin ko pa din siya sa puntong hindi kita ipagkakait sa kanya. Hindi man tayo ang nagkatuluyan may ma ituturing siyang ama na hindi tumalikod sa kanya. Salamat, na kahit ito ang disisyon nating dalawa. MASAYA PA DIN AKO. 🙂

MASAYA AKO.
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

keep safe po sa inyo ng baby mo mommy pakatatag ka Lang :) life must go on.

Awww. What a touching message.